Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..




ang seldang gawa ng iyong kariktan,

na akin ngayong kinasasadlakan,

ay hindi kayang buwagin ng unos,

at tunawin ng perpektong kirot




Home » Page 3

Finger fuck

January 4, 2011

‘di ko na maalala ang date. Gusgusin pa ‘ko n’un. Mediocre. Bum. Useless. Adik. Indecisive at walang buto. Pakiramdam ko nga n’un boobs ko lang ang maipagmamalaki ko, Kaya nga ‘di ako umaalma kapag sinisigawan mo ko ng, “shut your mouth, you’re just a kid!” at tsaka mo ise-sway sa pagmumukha ko ang bote ng iniinum mong strong ice.

 

Alam mo, shit ka. Ilang taon bago ko nabigkas ang pangalan mong hayop ka. Kasi ginantsilyo mo ang mga ugat ko, binuhol buhol sa laman ko kaya tuwing be-bwelo ako at sasagap ng hangin bago ko sambitin ang pangalan mo, kumikirot na agad ang puso ko. Ang tanga tanga ng puso ko, kasi pinaniwalaan ko ang mga kwentong insekto na ifininger fuck mo sa kukote ko. Nag mate tayo na parang mga paro paro. 

Kinausap mo ako na parang gamo gamo. “amuyin mo ‘ko at maiintindihan mo.” at ako naman ‘tong si uto uto,naniwala sa katalinuhan mo.

 

Hindi naman kita gusto sumbatan, dahil malamang bibilangan mo ‘ko at mag-aaway lang tayo.

 

Pero hindi lang ang attitude problem mo ang mahirap intindihin, pati ang mga sexual fantasies mo, kung pa’no mo ‘ko pinipilit n’un na makipagkangkangan sa barkada mong si tetet habang nanunuod ka na talagang tinanggihan ko kahit na umarte ka pa’t nang emotional blackmail.

 

Pakiramdam ko, puta ako sa paningin mo.

 

Letse ka.

 

Ikaw ang una ko. Mahirap talagang kalimutan ang una. Sabi nga nila, first love never dies, kaya siguro buhay ka pang animal ka at nagpapakalunod sa kandungan ng mga babaeng naloloko sa mala satanas mong ngiti, sa mala mmk na kwento ng napakalungkot mong buhay, kahit na halos isumpa ko na ang kakikiki kikian ng buo mong pagkatao, na ilang beses ko ng hiniling na sana, mamatay ka na. Pero ayun, sa awa ng mahabaging diyos, buhay na buhay ka pa.

 

Kapag kasama kita n’ung tayo pa, kilig na kilig ako sa atensyong binibigay mo sa ‘kin. Sa panli2gaw mo gamit ang masusungit mong litanya, sa pang-aakit mo gamit ang barumbada mong yakap at halik.

 

At nabitag mo ako. Ako na isang alamid.

 

Ikaw ang nagturo sa akin kung pa’no sumirko at magpasirko ng babae sa ibabaw ng katawan ko. Kung pa’no maging isang seryus klawn sa cheap na palo tsinang entablado ng kama.

 

Putang ina.

 

Lukaret ako. Oo. Aminado ako d’un. Alangang umarte pa ako at magdeny na parang virgin gayong alam ng mundo kung paano at gaano mo ako tinorture at sinadista nang bigla mo ‘kong iwan, isang gabi sa gitna ng buwang nobyembre.

 

Naaalala mo n’ung nakaraang nakaraang birthday ko tatlong libong taon na ang lumipas? Nagpakawala tayo ng isandaang mariposa sa ilog ng la union? Karayan ang tawag n’yong mga ilokana d’un. Naupo tayo sa naglalakihang bato at nag starbathe habang ang mga kuliglig ay nag-aawitan.

 

Ang cheesy ng moment. Yuck.

 

Hanggang ngayon, ‘di ko maisip kung bakit kapag nagagalit ka’y nakatanga lang ako s’yo? Na pagkatapos mo ‘kong palayasin sa bahay nyo’y aayain mo ‘kong makipagphone sex sa ‘yo at pagkatapos ay d’un ko lang maririnig ang makapitpit pusong, “I’m sorry.”

 

Tapos ngayon gusto mong bulatlating muli ang clitoris ng ating nakaraan? Kalabitin ang g-spot ng ating bahalana moment? Hanu ka? Sinuswerte?

 

Napakaraming “hindi ko alam” at “siguro” sa ating nagdaang relasyon, ni hindi ko nga alam kung minahal mo ba ako, tatlong beses ko lang narinig sa ‘yo ang mitolohiyang salita na i love you, naganap ‘yun habang nakapatong ako sa ‘yo, nakayakap ka sa akin ng mahigpit at tatlong sunod sunod na i love you ang pinaputok ng bibig mong malaki.

 

Feeling ko n’un ang galing galing ko sa kama. Na isa akong henya sa romansa, pero kauululan lang ang lahat.

 

Pero ‘di na ‘ko affected ng hayop mong mga tingin, ang hiwa sa baba mong dumiretso sa puso ko, ang mga ngiti mong kayang kaya akong lunukin ng buo, ang pangit mong buhok na kahit ilang beses mong ipa rebond ay bumabalik sa katawang lupa niya na isang matigas na alambre, ang kili kili mo, ang tanging parte ng katawan mo na maputi. Ang sintetika ng iyong mga buntong hininga,

 

Hindi na. Hindi na nila ako na mo-move. Belat.

 

Pero minsan, naaalala ko pa din ang lahat lahat sa ‘yo. Ang amoy kangkong mong taluktok, ang split ends ng kukote mo, ang bipolar mong orgasm, ang amoy ng katawan mo na parang morning sunshine, kung gaano kainit ang katawan mo tuwing alas onse ng gabi, ang pasmado mong moods, ang mahahaba mong daliri, ang mala baleteng ugat sa kamay mo na ikina ka turn on ko kapag nakikita ko, ang mala luya mong paa, ang matangos mong ilong, ang malalim at matapang mong mata, ang magandang kurba ng katawan mo, ang nakakalasing na boses mo tuwing kinakantahan mo ‘ko ng “here we are” ni gloria estefan.

 

Nakakamiss ka din naman. Ikaw lang naman kasi ang unang babaeng minahal ko, ang babaeng muntik ng maging dahilan ng pagpapakamatay ko at pagpuputa kung kani kaninong babae.

 

Kasing itim mo ang kunsensiya mo. Kasi ‘di ka naawa sa akin. Tapos ang lakas ng loob mong payuhan ako na huwag na ‘ko maiinlab sa mga babaeng maiitim. Ang shit shit mo.

 

Gusto kong halukayin sa libingan niya ang journal ko na pinagsulatan ko ng kung ano anong kadramahan ko tungkol sa iyo. Gusto ko siyang pilasin at ipakain sa ‘yo.

 

Pukinginanginang naman oh! Bakit ba ‘ko nagsasayang ng oras para sulatan ka? Ang shit mo kaya.

 

Sabi mo papasalubungan mo ‘ko ng burger sa wendys. Pero ‘di ka nagpakita sa ‘kin. Kahit anino mo wala.

 

Pero sa totoo lang, mas interesado ako sa burger kaysa sayo.

 

S’yempre etching lang ‘yun. Gusto kita makita, gusto ko makita kung natanggal na ba ang brace mo, kung maitim ka pa din ba, kung maganda ka pa ding magdala ng damit at mas excited ako sa mga bagong impormasyon na matutunan ko sa ‘yo.

 

Pero hindi ka dumating.

 

Tang ina ka talaga. Feeling mo ang ganda ganda mo’t excuse ‘yang isinumpa mong kagandahan na paghintayin ako. Buti na lang ‘di ako masyadong nag expect.

 

Nanghihinayang ako sa mga siomai na ‘di natin nakain na dapat ay kakainin natin, sa mga pitik bulag, sa mga hiling tuwing nabubunutan ako ng pilik mata, sa mga planong bakasyon sa baguio na ‘di kailanman natuloy, sa mga kwento mo tungkol sa sierra leone, sa zafari, sa mga moth, sa mga pilosopiya mo tungkol sa pakikipagkantutan.

 

Kaso hindi ako ang babaeng para sa iyo at pekpek ko lang ang gusto mo.

 

Puta, nakakadepressed ang gabing binasag mo ako sa pamamagitan ng isang text at kung paano mo ako kamuntik ng pinatay sa hindi mo pagpaparamdam.

 

At feelingera ka dahil akala mo katulad pa din ako nang batang patay na patay sa ‘yo n’un, na hahabol habol sa ‘yo, sunud sunuran sa lahat ng gusto mo. Pero sorry dear, ibang iba na ako.

 

Wala ako kiber kung mas tripleng mas malaki ang sweldo mo sa akin dahil mas malaki ka naman talaga sa akin. Bwahaha.

 

Bleeehh! Hmft.

 

Tama ka, gamo gamo tayo dahil nang gabing iniwan mo ‘ko at naamoy ko sa jacket kong nakasabit sa door knob ang dumikit mong chanel numero singko’y alam ko na.

 

Na ako ang batang babaeng pinagsawaan mo noon,

 

At alam ko ding naamoy mo ang mensahe ko, na ikaw naman ang matandang babaeng pinagpraktisan ko.

 

Tae mo mabaho. Babush.

 

 

 

 

october 2009

 

Posted by leserotika at 3:59 pm | permalink | comments[1]

UKHUME 1

December 28, 2010

 

Nais kong ihambing ka
sa bukang-liwayway,
O kaya’y sa takipsilim na ang silahis ay
Kumakaway,

Nais kong yapusin ka
Sa panahong maaliwalas ang langit,
Habang ang mga alon sa dagat
Ay inehehele ka sa kanilang
Pag-awit,

At titigan ka habang ang mundo’y
Pinapanawan ng liwanag,
Kahit hindi mo man tugunan
Ang higpit ng aking mga hawak,

Ang saglit na pagdadaop ng
Ating mga palad,
Ay ang kasa-kasama ko sa gabing
Anino ko lamang ang
Aking yakap,

Ibig ko sanang ikuwintas sa iyo,
Ang sinag ng buwan at
Punuin ka ng lamlam,
At i-laso sa iyong buhok ang
Ginintuang sikat ng araw
Na sa iyong mata’y ‘di kailanman
napaparam,

Pangarap kong ang pagtinging
Ito na araw araw kong ikinukumpisal,
Ay makawala sa takot na siyang
Sumasakal,

Nais ko din sanang isabit sa iyong
Tainga,
Ang bulong ng hanging nakakubli
Sa dingding ng aking pagsinta,

Ayokong damhin ka sa panahon
Ang araw ay balakid,
Kung saan ang ating balat ay
Dadarangin ng pawis,
dahil maaaring maipagkaila mo
ang silakbo sa aking mga titig,
na isa lamang singaw na dala ng
tag-init.

Nais ko sanang yakapin ka sa gabing
Malamig,
Yapusin ka at ibigin habang
Ikaw ay nangangatog at nanginginig,
Dahil sa sandaling nakakulong ka
Sa aking dibdib,
Ang lamig ay siyang magtatakip,
Sa yakap mong nais kong
Limusan ng kaunting pag-ibig.

Sergey Lazarev - Beautiful (Sergey Lazarev)

 

Posted by leserotika at 2:51 pm | permalink | Add comment

SULAT

Susulatan kita

 

ng liham ng pag-ibig,

 

 

 

Pilit kong itatakwil

 

pansumandali,

 

ang mga pakikipaglaban ko’t

 

prinsipyo

 

 

 

susulatan kita

 

ng kwentong pag-ibig,

 

 

 

lilimutin ang mga nakakabighaning

 

dayalogo,

 

 

 

hindi ko kailanman babanggitin,

 

ang malademonyong taktika

 

ni joseph stalin,

 

 

 

o ang mga manipesto ng karunungan

 

ni allen ginsberg,

 

 

 

o gagayahin ang malanding prosa

 

ni Charles Bukowski,

 

 

 

at ang pinitpit na berso ni Pablo Neruda,

 

 

 

Susulatan kita ng

 

dagat at pag-ibig,

 

 

 

sa tinta ng luhang nilambat

 

ng iyong kimi,

 

 

 

kahit na hindi mo kilala,

 

si che guevarra…

 

 

 

susulatan kita,

 

 

 

at hindi ko kailanman susubukan,

 

na ipaliwanag sa iyo,

 

ang digmaang russo,

 

 

 

o ang mga nobela,

 

ng alemang si kafka.

 

 

 

susulatan kita,

 

 

 

sa paraang kung paano,

 

hindi utak ang magdidikta

 

ng mga kataga,

 

hindi puson ang magpapainit

 

sa mga salita,

 

hindi sakit ang bubuo sa mga tanaga,

 

hindi lupit ang po-proseso sa

 

aking sistema.

 

 

 

Susulatan kita,

 

at ito’y ipapaskil ko,

 

 

 

sa bawat poste ng iyong isipan,

 

sa bawat pader ng iyong balintataw,

 

sa bawat eskinitang iyong dinadaanan,

 

 

 

susulatan kita,

 

ng liham ng pag-ibig,

 

 

 

hindi ko babanggitin ang digmaang

 

aking iiwan,

 

o ang mga rally na aking tatakasan,

 

o ang mga hunger strike na hindi

 

ko na sasalihan,

 

 

 

dahil nais ko na lamang,

 

na ikaw ay sulatan…

 

 

 

isulat sa iyo ang mga titik ng pagsinta,

 

sa loob ng iyong mga bituka,

 

sa humihingang laman,

 

sa mga buto mo’t katawan.

 

 

 

at kung hindi mo man basahin,

 

ang mga liham na isinabog ko,

 

sa abenida ng iyong mundo,

 

 

 

ikaw ay uunawain ko.

 

 

 

Susulatan kita,

 

ng kwentong pag-ibig,

 

 

 

sisikapin kong paluwagin,

 

ang buhol buhol na ruta,

 

sa utak kong nilamon ng

 

tinig at wika,

 

 

 

hindi man ito kasing bangis,

 

ng mga lirikong balada ni

 

wordsworth,

 

hindi man ito humampas sa

 

alon ng romantisismo,

 

 

 

isusulat ko ang mga pangako,

 

ang aking pagsuyo,

 

 

 

isaksak mo sa aking dibdib,

 

ang bawat espasyo ng iyong pagkatao,

 

na pupunuin ko ng

 

sarili kong berso,

 

 

 

idikit mo sa akin ang pawisan mong likod,

 

na kay tagal ng napagod,

 

upang magawan ko ng tula,

 

ang isang libong pagkalimot.

 

 

 

Susulatan kita,

 

sa katanghaliang tapat,

 

kung saan,

 

ikaw ay hindi man lang makahikab,

 

o makaidlip,

 

sa latay ng lamig,

 

ng buong magdamag.

 

 

 

Susulatan kita ng tulang

 

pag-ibig,

 

 

 

ililigaw kita sa mapaglarong

 

saliw ng mga hininga

 

na tinuhog,

 

sa pagsuyong kapitalista,

 

 

 

o ng pagtingin mong pasista.

 

 

 

Susulatan kita ng manipesto

 

ng pag-ibig,

 

 

 

na magbibilad sa konsepto ng

 

mga barong barong na

 

tinahi’t tinagpi,

 

ng mga nangangapal na sinulid ng

 

iyong pananahimik,

 

 

 

Susulatan kita ng kwentong pag-ibig,

 

na aking iuukit,

 

sa nanlilimahid na libag ng

 

iyong hindi pagpansin,

 

 

 

sa mga tula kong lihim na naninimdim.

 

 

 

Susulatan kita ng liham ng pag-ibig,

 

sa mga bangkang papel,

 

na ipapaanod ko sa kanal

 

ng iyong kamalayan,

 

 

 

o sa eroplanong papel na nilamukos

 

mo’t hindi na kailanman

 

makakalipad.

 

 

 

Nais ko sanang maglakad tayong

 

dalawa,

 

sa mga marungis na bangketa,

 

ng iyong gunita,

 

 

 

mamili tayo,

 

ng piniratang alaala,

 

mga pekeng luha,

 

mga binaratilyong lumbay,

 

mga mumurahing buhay.

 

 

 

at sa bawat likuan ng iyong haraya,

 

naroon ako,

 

sa dulo ng pinakahuling umaga.

 

 

 

Susulatan kita ng mga

 

bersong pag-ibig,

 

 

 

ang unang ngiti ni odysseus,

 

o ang huling iyak ni zeus.

 

 

 

o kung paanong ang mundo’y

 

nilikha ng Diyos,

 

at kung paanong si Eba’y natukso,

 

ng ahas,

 

upang kagatin ang prutas,

 

sa panglaw na hardin ng eden.

 

 

 

Ngunit,

 

itatapon ko sa bintana,

 

ang mga sauladong historya,

 

ng mga rebolusyon at digmaan,

 

 

 

na gugunaw sa sanlibutan,

 

 

 

Susulatan kita ng liham ng pag-ibig,

na maglalarawan sa iyong pagkahapo,

 

sa bawat mong pagkabigo…

 

 

Susulatan kita,

ng liham ng pag-ibig,

 

at ito’y ihuhulog ko sa koreyo ng iyong

panaginip,

at kung sakaling ito’y maligaw

sa mundo ng mga espiritung titik,

at ang papel ay mamasa’t lumagkit…

 

At kung ito’y umabot sa iyong palad,

 

at ikaw ay  maubusan ng basahang

pampunas,

 

maaari mong gamitin ang

aking mga sulat,

 

upang may maipampahid

ka sa mga luha mong

nagkalat.

 

 

 

 

…at ang aking mga tula’y

ipa re-rehistro ko,

sa ilalim ng pangalan mo.

Posted by leserotika at 11:34 am | permalink | comments[2]

LARUAN

 

 

Isipin mo na lamang na isa akong

pamato,

sa mga kwadradong guhit

ng iyong palad,

iitsa mo ako,

at piliting iiwas sa mga linya

nang pagkatalo’t

pagkabigo…

 

Isipin mo na lamang na isa akong

lastiko,

malambot ang katawa’t

maaari mong hatakin

ano mang oras.

hilahin mo ako hanggang sa ako’y mabanat,

at sa iyong mga daliri

ko lamang nais mapigtas.

 

Isipin mo na lamang na isa akong

manika,

kunin mo ako’t yakapin,

paglaruan ano mang oras mo

naisin,

at kung magsawa ka na’y

iwanan mo ako sa tabi’t

huwag nang pansinin.

 

Isipin mo na lamang na isa akong

lata,

na sinisipat sipat ng iyong mata,

at sa sandaling tirahin mo ako’t

matumba,

batid kong ikaw ay panalo na.

 

Isipin mo na lamang na isa akong

bola,

na maaari mong ihagis pataas,

at alam kong hindi mo ako

sasaluhin,

hahayaan mo na lamang akong

bumagsak…

 

Isipin mo na lamang na isa akong

laruan,

laruin mo ako ng walang kalaban laban,

maaari mo akong bitawan,

maaari mo akong pagsawaan,

at sa dulo ng lahat,

masaya na akong malaman,

na sa ating dalawa’y hindi ikaw

ang talunan.

 

 

 

 

Posted by leserotika at 11:27 am | permalink | Add comment

Espongha

December 11, 2010

 

Sa isang nangangapal na libog nais ko itong magwakas,

at alam ko na sa bawat pagkurap,

ang matang umiiwas

at nababagot na hikab,

nauunawaan ko,

muli kang kakapit sa kanila at magpapasibak,

muli kang luluhod upang sila’y himurin,

upang sila’y mahalin,

upang muling magmakaawa sa kanilang

walang hanggang pag-ibig,

na kapwa natin alam na hindi nila kailanman maibibigay,

 

o ng mga uri nila…

 

o ng mga mataba at mahaba nilang titi,

o ng kahit na sino sa kanila.

 

Alam kong paulit-ulit ka lang maghahanap,

ng mga bagay na sa aki’y hindi matutupad,

dahil kulang ang lahat

at ako’y hindi kailanman magiging sapat…

 

kaya’t muli kang tatakbo,

muli kang tatakas,

muli kang iiwas,

 

sa akin at sa katotohanang hindi ako

ang kailangan mo,

 

na hindi ako ang pupuno sa puking

kay lalim

na hindi ko magawang punuin,

ng matatamis na pangako’t walang

pangambang pagtingin,

 

dahil ito ang proseso ng iyong kasarian,

ang sistemang hindi natin kayang iwasan,

ang kulturang hindi natin magawang ibaon sa limot,

ang kalikasan nang pangangantot.

 

Pikit mata kong pagmamasdan ang iyong

paglabas sa pintuan,

na hindi ko isasara,

upang makapasok kang muli

kung naisin mo mang bumalik

o kung muli kang magbuntis ng

hinanakit,

 

kahit alam kong maaaring iyon na ang huli,

at baka tuluyan kang makahanap ng titi,

na babayo sa iyo at kukumpleto

sa iyong pagkababae,

hahayaan kita,

kahit na ang pagtalikod mo’y isang

kay lupit na atake,

at wala akong kalaban laban,

sa nang-uuyam na katotohanan.

 

na sa bawat gabing katabi kita sa kama,

ang hinahanap mo’y iba,

 

na hindi magagawang itaas ng aking mga tula,

o ng aking mga prosa,

ang gahibla mong libido,

at hindi mangangalisag sa akin ang

iyong mga bulbol,

dahil tayo’y nagagahol,

Sa oras at pag-ibig

at ang puson mo’y hindi dadaanan ng init,

ang tinggil mong hindi mangangatog,

ang puki mong hindi tatakasan ng tamod,

 

kaya’t pakakawalan kita,

hahayaan lamang kita,

na saktan ako habang bino blow job mo sila,

at lalamunin ang kanilang mga bayag,

at sa kanilang mga bibig ikaw ay

magpapalantak,

 

Nais  kong hayaan mo din sana ako,

dito sa nais ko,

 

hayaan mo akong mag-isa…

at maghintay na ikaw ay muling mapagod,

na ang kepyas mo’y muling mamaga at

magsawang magpahindot,

at muling maramdaman ang kahungkagan,

hanggang sa muli mong pagnanais takasan

ang sanlibutan,

 

Nais kong sa oras na ikaw ay muling

pumasok sa aking buhay,

sa muli mong pagtitig sa puso

kong iyong ginutay,

sana’y hayaan mo ang iyong sarili na

magpakalunod,

 sa lambot na tanging

aking maibibigay,

dito sa aking yakap,

ikaw ay mahimlay,

at muli kong babasahin sa iyo ang

aking mga tula,

habang sa aking bisig ikaw ay lumuluha,

 

Pipilitin kong limutin,

ang bilang ng titing iyong kinain,

o ang sukat ng tamod na iyong nilunok,

o kung makailang ulit kang nagpakawala

ng libog,

magkukunwari akong ikaw ay tunay na sa akin,

at iyon ang pagkakataong ang lungkot mo’y

aking sisipsipin…

 

Heather Nova - Paper Cup (Heather Nova)

 

              

Posted by leserotika at 3:56 pm | permalink | Add comment

Obra

December 7, 2010

 

May pintig na hindi lubusang mabatid,

sa mukhang ginuhitan ng langit,

mga matang sa dako paroo’y nakatitig,

at ang samyo ng hangi’y lubusang nasasabik,

na matikman ang nakakapasong tamis,

at ang bawat pag-ikot nitong daigdig,

ay nakaantabay sa paglipad ng iyong halik,

Ang dapithapo’y naglalarawan

sa iyong kaaya-ayang ganda,

ang lamig ng madaling araw ay

nangangatal sa init ng iyong hininga,

ang dagat nang pagsuyo’y

lumalantik sa iyong pilik mata,

at sa pahina ng iyong balat ay naisatitik

ang sidhi nitong katha,

Ang mga daho’y kumakaway sa lilim ng iyong larawan,

ang sinag ng araw ay lumalabo

sa liwanag ng iyong kariktan,

ang pagtindig ng balahibo’y hindi ko na mabilang,

sa tuwing ang guhit ng labi mo’y aking namamasdan…

maaaring palasak ang tulang sa iyo ay maiaalay,

maaaring ito ay kuyumos na

hanay ng mga tayutay,

marahil dahil sa iyong mukha’y kagyat na nahiya,

ang mga namimintog at mabulaklak na salita,

ngunit dilag,

kawangis mo’y puro at dalisay na patak ng ambon,

at ako’y kayang lunurin ng walang hanggang mga alon,

at ihimlay sa gitna ng iyong karagatang may

dalang uyaying nagpapahinahon,

at nagbibigay espasyo sa kahulugang nakakahon,

walang lubos maisip na paraan nang pagsinta,

kundi ang ikaw ay suyuin at sa mga titik ay ipinta,

 

ang katawang kasing kulay ng bukang liwayway,

mga larawang may isang libo’t isang kulay,

mga sikreto’t ligayang pinadungaw ng pahapyaw,

at ang daing ng pagsuyo’y nanatiling impit na hiyaw…

 

ang buhok mong parang itim na daan tungo

sa katiwasayan,

mga daliring nakahimlay sa sariling kahimbingan,

ang sining sa bawat pagkibot ng iyong labi,

ang literatura sa bawat ningning ng iyong mga ngiti,

Ang imahe ng iyong mukhang sa balintataw

ko’y nakaguhit,

na siyang pumupuno sa bawat gabing tahimik,

ay ang mukhang siya ding nagsasalamin,

nang iba’t ibang uri ng damdamin,

ikaw ay ang kabuuang halimuyak na

dinesenyo ng tadhana,

isang pagkahaba habang kwentong hindi

masusukat, hindi mabubura,

 

Isa kang banghay ng marilag na sining,

na pinanday ni bathala sa init ng takipsilim,


at ang pinakamalalim na talinghaga,

ang pinakamarikit na metapora,

ang pinakamayabong na retorika,

ay naroon,

nakahimlay,

sa katawan mong sinulatan ng  sinisikil na kataga,

ang obra maestrang sa ganda mo’y nakahulma,

at sa iyong ngiting nagsisilang ng

milyon milyong talulot ng mga tula…

+Para kay Marjorie Obras+

 

 

 

 

AvrilLavigne_FallToPieces

 

Posted by leserotika at 11:40 pm | permalink | comments[1]

Ang babaeng iyon…

December 4, 2010

 

 

Magkatext kami nang babaeng iyon. saglit lang ang naging pag-uusap namin, ngunit katulad nang madalas niyang gawin tuwing magkausap kami’y, muli niya akong sinukol.

 

Siya: Babes, kumusta ka na?

Ako: Okay lang. Ikaw? May sakit ka pa ba?

Siya: Wala na, miss na kita… miss ko na kalandian natin.

Ako: Kalandian mo lang, hindi ako malandi.

Siya: Sungit mo peste ka. tseh!!!

Ako: hindi kaya. paranoid ka lang.

Siya: Miss na kita babes, miss ko na din ‘yung ano… hehehe.

Ako: ang alin? bakit ‘di mo sabihin?

Siya: alam mo ikaw, style mo lang ‘yang pagiging masungit at suplada mo. pekpek.

 

Hindi na ako nagreply. maya maya’y muli siyang nagtext.

 

Siya: babes…

Ako: babes…

Siya: tae ka, bakit ‘di ka na nagreply?

Ako: wala naman akong sasabihin pa eh.

Siya: miss mo ‘ko?

Ako: pwedeng oo, pwedeng hindi.

Siya: Letse. date tayo ulit. lap dance kita.

Ako: may special ba dun?

Siya: puki mo. hahahaha.

Ako: kelan christmas party sa office n’yo?

Siya: Sa 20. nakokornihan nga ako, kasi pangalan ng mga hayop ang gusto nilang code name namin para sa exchange gift.

Ako: kami din sa office, animals din ang gusto ng boss ko na code name namin. ang saya nga eh, cool.

Siya: Ano namang cool dun? Burat nila. Sa office n’yo, Kayo pumili ng code name n’yo?

Ako: Hindi. Binunot namin. Gusto ko nga sana kami na lang ang pipili.

Siya: Kung ikaw ang pinapili, anong hayop ang pipiliin mo?

Ako: Kuliglig drivers

Siya: Ngek, hayop ba ‘yun? Hindi naman.

Ako: Napanood mo ba sa news kung paano sila trinatong hayop ng mga Manila Police?

Siya: Ah oo nga… puki mo talaga, you’re being sarcastic again, as always… masyado kang seryoso.

Ako: Hindi naman. Kayo, kayo ba ang pumili o binunot n’yo din ang code name n’yo?

Siya: Binunot din, para daw ‘di maulit.

Ako: Kung ikaw ang pipili, anong hayop ang gagawin mong codename.

Siya: Mayor Lim.

 

 

at ang naging sagot ko sa text niya ay isang pagkahaba habang buntong hininga…

 

 

Magkatabi kaming nakaupo sa labas ng gate nila. nagyo-yosi. hawak hawak niya sa kanyang kamay ang isang malamig na strong ice. tumatawa siya, hindi ko alam kung bakit.

 

Ako: bakit ka tumatawa?

Siya: feel ko lang, para kunwari masaya ako na kasama kita.

Ako: bakit hindi ka ba masaya na nandito ako?

Siya: Hindi.

Ako: Bakit?

Siya: kasi alam ko naman na iba ang nasa isip mo, tae ka kasi. hahahaha.

Ako: (hindi ako kumibo. Nanatili lang akong tahimik.)

Siya: see? silence means yes.

Ako: siguro. hindi mo alam kung ano ang nasa utak ko.

Siya: bakit? kasi boba ako?

Ako: Hindi ‘yan ang sinabi ko. wala akong sinabing ganyan.

Siya: Bakit kasi hindi mo ako kausapin?

Ako: magkausap tayo… tangek.

Siya: ah, oo nga… ang parents ko hindi ako kinakausap.

Ako: pwede ba ‘yun? madalas ka ngang kinakausap ng mommy mo.

Siya: hindi niya ako kinakausap, sinasabi niya lang kung ano ang gusto niyang gawin ko.

 

at noong gabing iyon ay naramdaman ko ang paghahangad na yakapin siya.

 

 

Nasa loob kami ng kwarto niya. malakas akong tumatawa habang nagpa-praktis siya sa harapan ng salamin kung paano mag offer ng gamot sa mga chief pharmacist ng mga hospital na kino cover niya.

 

Ako: baliw ka na talaga.

Siya: sabi mo, tindera lang ako. ‘yun nga lang, tinderang de kotse. hahaha.

Ako: hindi naman. bakit ang liit ng tingin mo sa sarili mo?

Siya: hindi ah, ang ganda ko kaya.

Ako: Oo naman.

Siya: ‘tong salamin ko ang bestfriend ko.

Ako: talaga?

Siya: Oo, kasi siya ang nakakakita ng pag-iyak ko, pagtawa ko ng mag-isa, pagnakahubad ako, pag nagfi-finger ako… kitang kita niya lahat ng kaululan ko, kung ano ano pa ang tinatawag ko sa kanya, minsan, asshole, minsan, damnshit, minsan tinatawag ko siyang daddy, minsan tinatawag ko siya using your name…

Ako: pangalan ko?

Siya: Oo, tuwing nagfi-finger lang naman ako. hahahaha.

Ako: tarantado.

Siya: Haha… pero seriously, minsan, minumura ko siya at wala siyang reklamo.

Ako: hindi naman kasi siya nagsasalita, paano siya makakapagreklamo.

Siya: sa tingin mo, kung nakakapagsalita siya, magrereklamo din siya?

Ako: Oo naman, magrereklamo siya.

Siya: so, ibig mong sabihin, magiging isa siyang ganap na tao.

Ako: hindi naman, magsasalita lang siya, pero hindi ibig sabihin, magiging tao siya.

Siya: magiging tao siya. Iyon ang unang senyales nang pagiging tao, puro reklamo.

Ako: (bahagyang ngumiti habang pinagmamasdan siyang nag po-posing sa harap ng salamin)

Siya: Alam mo ey, mahal na kita.
Ako: hahaha, ano ‘yan, confession mo?

Siya: Hindi, isang bagong disease.

 

 

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niyang iyan, ngunit naramdaman ko ang unti unti niyang paglapit sa puso kong ilang beses na siyang pilit iniiwasan.

 

 

Nagkasalubong kami sa sakayan ng Bus. Ngiting ngiti siya sa akin.

 

Siya: Saan ka pupunta?

Ako: Sa grand central, may bibilhin lang ako.

Siya: Nakita kita kanina pagkagising ko. sumilip ako sa bintana at ikaw ang nakita ko, naglalakad ka kasama si Nini.

Ako: Ah oo, bumili ako pandesal.

Siya: Nang magising ako kanina, napansin ko na tirik na pala ang araw, at maganda ang mga ulap, at ikaw ang una kong nakita at nasabi ko sa sarili ko, kailangan kong mabuhay ngayon, maging masaya ngayon… dahil bukas, pwedeng wala ka na, mamatay ka na o hindi na kita makita, o pwede namang wala na ako, mamatay na ako… I mean, pwedeng bukas, wala na ‘yung salitang Tayo…

 

 

 

Magkatabi kaming nakahiga sa kama. Bahagya siyang kumilos at hinaplos ang braso ko. Hinalikan niya ang punong tenga ko at marahang bumulong.

 

Siya: P’wede ka nang gumising, tapos na ang karumal dumal na pagse-sex natin…

 

 

 

 

Siya: Hindi ako naduduwag, napakalupit naman ng salitang duwag para sa magandang babaeng katulad ko. Nakita mo naman, inakyat ko ang bakod n’yo sa malolos para lang makita kang kupal ka kasi pinagtataguan mo ako, pinuntahan kita kahit takot na takot ako sa nanay mo, kahit hindi mo nakita, tumalon ako, tumalon talaga ako at alam kong alam mo ‘yun, tumalon ako kasi gusto kitang abutin, pero sabi mo nga, hindi ka ganoon kataas… at tama ka, mas mahirap abutin ang taong mababa, kasi alam mo na kailangan mong mahulog para maabot siya, at kapag nahulog ka, kailangan mong lumagapak para sa kanya, dahil iyon lang ang paraan para mahawakan mo siya, tama ka, lagi kang tama… pero parang kulang pa ‘ata ‘yun, ano pa bang gusto mo? tumalon na ako at nagpatihulog? gusto mo pa bang mamatay ako?

 

 

 

 

…siya ang babaeng gusto kong mahalin, ngunit sadyang hindi kami laan para sa isa’t-isa…

 

 

The Veronicas - Worlds Apart (The Veronicas)

 

Posted by leserotika at 6:09 pm | permalink | Add comment

December 1, 2010

 

…I

               m                 p

u

                                 l

            s                                                e…

 

 

 

Kung paano ako ngayon ay dinudurog ng sakit,

habang ikaw ay maligaya’t tahimik,

 

kung paanong ninanamnam ko ngayon ang sidhi ng masaktan,

habang ang aking pag-iwas ay hindi mo maramdaman,

 

ang imahe ng naglulundagang igtad

ng iyong katawang hindi ko nayakap…

 

              kung paano mo sinakop ang aking katinuan,

              sa pananakop mong hindi ko ninais kumawala

 

 

kahit kailan…

 

 

Dahil kung kamuntikan mo mang matutunan ang ibigin ako,

ang kamuntikan ay hindi kayang paginhawain ang pusong iyong binigo…

 

 

09 Can We Still Be Friends (starbucks 1)

 

Posted by leserotika at 1:15 pm | permalink | Add comment

Kakainin kita

November 30, 2010

 

 

 

Oo,

maniwala ka sana,

kakainin kita sa paraang ako lang

ang makakagawa,

sa paraang tanging ako lang

ang may alam,

sa sarili kong paraang aking akin

lamang…

 

Oo,

lalapain ko ang bawat balat

sa iyong katawan,

ang kasuluk-sulukan mo’y aking

lalasahan,

sisimsimin ko ang kahuli-hulihang

patak ng iyong tamis,

lalasapin ko ang asim at bawat

mong pait.

 

Hindi kita titigilan,

at wala ng silbi kung ikaw ma’y

manlaban.

 

Oo,

kakainin kita sa ayaw mo man o gusto,

kakainin ko ang pinakamaselang

bahagi mo,

kakainin kita na para bang ikaw

ay aking pag-aari,

kakainin kita nang dahan dahan

at walang pagmamadali,

hanggang sa maipinta kita dito

sa aking labi,

at ang linamnam mo ngayong gabi.

 

Oo,

kakainin kita at doo’y wala ka

ng magagawa,

kakainin kita at h’wag ka na sanang

umangal pa,

kakainin kita na para bagang wala

ng bukas,

kakainin kita sa paraang hindi

ka mawawasak.

 

Oo,

kakainin kita at pakukuluan,

hihimayin kita at sa apoy ng pagnanasa

ko’y ikaw ay aking isasalang,

hanggang sa ang matigas na balat ng puso

mo’y lumambot nang tuluyan.

 

Oo,

kakainin ko ang lumpo mong paniniwala,

pati na ang pagsintang tuyot

at walang halaga,

kakainin ko ang lungkot mo’t ligaya,

kakainin ko ang katinuan mo

hanggang sa huling hibla…

 

Oo,

kakainin ko ang puso mo’t isipan,

iluluto ko sa init ng aking pagsuyo

ang atay mo’t balunbalunan,

kakainin kita hanggang sa iyo’y

wala ng matira,

kakainin kita at ihihimlay sa

aking sikmura.

 

Oo,

kakainin kita,

ang utak at dugo mo’y hindi ko

pagsasawaan,

kakainin ko ang hilaw na pagtinging

tumanggi kang aking maramdaman…

 

kakainin kita at pumayag ka sana,

dahil kapag kinain kita’y tayong dalawa’y

magiging isa,

iyon lamang ang paraan upang maipasok kita,

at ang aking buhay ay maging iyong

hininga,

marahil sa pait ng mundo’y maitatago kita,

marahil dito sa loob ko’y maaari kang

makapagpahinga,

 

Oo,

kakainin kita at lulunukin ang iyong

kabuuan,

upang kung muling saktan ka ng tadhana’y

ako na lamang ang dito’y

makakaramdam…

 

 

+para sa babaeng susunod kong mamahalin+

 

jessica

 

 

 

Posted by leserotika at 8:52 pm | permalink | Add comment

Fertile

November 28, 2010

 

Noong gabing iyon, naramdaman ko ang kanyang kagaspangan at kalamlaman. hindi ako tinakot ng gaspang na iyon, ngunit sinindak ako ng kalamlaman sa kanyang mukha. Lamlam na alam kong maaaring magkulong sa akin sa malilinggit na kumpol ng liwanag, liwanag na parang isang silakbong pagtinging nais kong iwasan at ikubli kung saan…

 

ngunit ang bawat pawis na lumulusot sa kanyang balat palabas ay para sa akin. Sa akin lamang…

 

Dumulas ako sa kulay gabing isla sa kanyang katawan. dinaanan ang mga talahib at damo, mga nunal at balahibo, sinusundan ang mga ugat na nakabaon sa kanyang balat tungo sa pinakamagandang nilikha ng maykapal, ang bukal sa kanyang pagitan…

 

at ang bukal niya’y bumulwak, napuno at ito’y dumaloy sa bawat ilog, sa bawat kanal, sa bawat dagat ng aking mundo.

 

at kami’y parang isang masigabong kidlat na gumuguhit at humihiwa sa katahimikan ng gabi.

 

Kumilos siya sa aking katawan, at ako’y gumalaw sa ibabaw ng kanyang kabuuan, hanggang sa ang mga pader ay naging talon na bumubuhos ng walang tigil, ang sahig ay isang lawang sinalakay ng mga paro parong bituin at nilaglagan ng mga ulang bulaklak.

 

at ang buwan ay ngumiti, yumukod at ibinulong sa aking puso ang iyong pangalan.

 

walang ibang tao sa mundong aming ginagalawan. wala. tanging kami lamang dalawa, ngunit ang talon, ang lawa, ang paro parong bituin, ang ulang bulaklak at ang buwang nakangiti at bumubulong ay ang mga alaala ng isang kakatwang panaginip, panaginip na magbabalik sa akin sa malupit na pagkagising…

 

Dinama ko ang kanyang utong sa pagitan ng aking labi, at siya’y nais kong saidin hanggang sa muling pagsisimula ngn oras at mundo, hanggang sa muli kaming bumalik sa simula… paiwas sa kawakasan ng lahat.

 

Nilingon niya ang nakasilip na bilog na buwan sa bintana at siya’y biglang nagsabog ng iyak. Tinakpan niya ng dalawa niyang palad ang kanyang mukha at siya’y sumubsob sa aking dibdib.

 

niyakap ko siya. mahigpit. Bakit Mahal? bakit ka umiiyak?

 

(mahirap katalik ang babaeng lumuluha. mabigat sa dibdib…)

 

Umiling siya at muling nag-angat ng mukha. Ngumiti siya sa akin at marahang hinagkan ang aking labi.

 

…nakikita mo? bilog ang buwan, punong puno ng kumukuti kutitap na paro paro, iyon nga lamang at hindi tayo makakabuo…

 

Marahan akong tumango. Niyakap ko siya palapit sa akin at nanginig ang kanyang balikat. Nais kong lumuha kasabay niya, ngunit hindi maaari. ayoko.

 

at muli naming sinimulan ang sayaw na yaon… sayaw ng mga tala sa langit at kalawakan…

 

at ang mga lumilipad na gamo gamong agam agam ay huhulihin at nanakawin ng aking mga labi,

              at ang nang-uuyam na bilog na buwa’y yayanigin at babasagin ng aking mga daliri.

 

 

 

 

Posted by leserotika at 12:54 pm | permalink | Add comment