Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..
ang seldang gawa ng iyong kariktan,
na akin ngayong kinasasadlakan,
ay hindi kayang buwagin ng unos,
at tunawin ng perpektong kirot
Ang katotohanan tungkol sa akin
November 4, 2010
* Ako ang bunsong anak sa anim na magkakapatid, anim na puro babae, isa ay anak sa labas ng Papa kong gwapings noong kabataan niya, na siyang pinagmanahan ko daw sabi ni Mama. (pero hindi ako gwapings)
* Ugali ko ang itiklop ng daliri ko ang ibabang labi ko at tsaka ko ito kakagatin, pagkatapos ay hahaplus haplusin ko ang nguso ko na parang laging may nakikitang seksi at kaakit akit na babae. (sabi nila, i-style daw iyon ng pagpapakyut ko, pero hindi, Hindi!)
* Kapag mag-isa lang ako sa bahay ay naglalakad ako na naka panty lang at t-shirt, at halos madalas ay panty lang ang suot ko ‘pag natutulog.
* Hindi ako maganda at hindi din ako sexy, nagkataon lang na Hot monay ako sa tingin ng iba, siguro dahil na din sa biniyayaan ako ng medyo malaking hinaharap ni papa jisas.
* Nasubukan ko na ang tumira ng bato na itinigil ko din at hindi ginawang lifetime hobby, paminsan minsa’y nauudyok pa din ako na humithit ng weeds.
* Sabog ako nang isinulat ko ang Andrea at Isang daang gabing pagluluksa at ang first draft ng kwento kong Fairytale.
* Gusto kong nakadapa kung matulog at ayokong ayokong ginigising ako ng dahil lang sa walang kakwenta kwentang bagay.
* Hindi ako mahilig maglibot sa mall, mag window shopping, pero nagagawa kong magstay sa loob ng national bookstore o booksale ng halos tatlong oras hanggang sa mapaghinalaan na ako ng mga civilian guard na namimitik ng libro.
* Ayoko sa babaeng maingay, bungangera at kung magsalita’y parang kinakapos ng tuldok at kuwit. Halos lahat ng ate ko’y mahilig magtatatalak at isa iyon sa mga bagay na gusto kong layasan sa kanila.
* Hindi ako spoiled, mukha lang.
* Mainitin ang ulo ko, madali akong mairita sa maiingay, sa mga batang malilikot, sa mga lalaking mabaho at baboy kumain, sa mga babaeng nagsusuklay sa kalye at sa mga babaeng tili ng tili.
* Selosa ako, pero pasikretong selos lang. Ako ‘yung tipong gusto ng umiyak sa sobrang selos pero pinapakita kong wala akong pakialam. kapag mag-isa na ako, doon na aatake ang lungkot.
* Dose anyos ako nang isinulat ko ang unang tula na ginawa ko habang sinisilipan ko si Trixie, ang GRO ng Marietta Club na nakatira sa katapat naming bahay.
* Minsa’y nakakatulog ako habang nag ta thumb sucking.
* Hindi ako agad agad sumasang-ayon sa mga pinagsasabi ng kausap ko.
* Hindi ko nakahiligan ang pag-inom ng alak, kaya nga hindi din ako mahilig mag bar, dahil mahal ang yosi sa mga bar.
* Kaya hindi ako mahilig uminom dahil madali akong malasing, at kapag lasing ako, para akong lantang gulay, pwede mo na akong gahasain at titignan lang kita habang ginagawa mo iyon.
* Pangarap ko ang makapag aral sa state university.
* Dream course ko ang Physical Therapy, pero dahil sa out of budget kami noong magko-kolehiyo ako’y dagli ko itong kinalimutan.
* Bobo ako sa math.
* Marami ang nagsasabing karinyosa daw ako. Makipag date ka sa akin para malaman mo kung totoo nga.
* Ayokong ayokong naghihintay, lalo na sa wala.
* May isinulat akong love letter noon na paulit-ulit ko lang na ibinibigay sa mga babaeng nagiging GF ko. Pinapalitan ko lang ng pangalan at isinusulat sa ibang papel.
* Hindi ako butch.
* Homebody ako. Mas gusto kong manahimik sa bahay, manood ng DVD, magbasa ng libro, mag internet, magluto, kumain at kung kasama ko ang aking significant other, makipaglambutsingan sa kama.
* Hindi ako nang-uuto ng babae, lalong hindi ako nambobola.
* Ilan na ang nagsasabi na para daw akong si Neruda kung magsulat, akala nila natutuwa ako? Hindi, dahil hindi ko gusto si Neruda.
* Ayoko kay Bob Ong, mas feel ko si Eros.
* Pangarap kong magkaroon ng GF na magaling magsulat, ‘yung mas magaling sa akin.
* Mayabang daw ako at suplada, hindi lang nila ako kilala.
* Hindi ko ugaling naghahabol sa babae at ikamamatay ko ang aminin sa isang babae na patay na patay ako sa kanya.
* Hindi ko namimiss ang blowjob.
* Marami akong naging BF bago ako umamin sa mundo na isa akong certified lesbian.
* Gusto kong maging Mother Earth ng isang cute na baby girl, pero kinalimutan ko na din ‘yun dahil hinding hindi ako mabubuntis, not unless ako si Virgin Mary at mabubuntis ako ng holy spirit.
* Marlboro menthol ang yosi ko, at malakas akong manigarilyo.
* Hindi ako mahilig manood ng lovestory.
* Mahilig ako sa mga bebot na tsinita, maputi, petite at mahaba ang buhok.
* Attracted ako sa mga babaeng magandang mag tuck in, magandang magdala ng skirt at sneakers.
* Type ko ang mga babaeng supladita, masungit pero hindi pumapalag. Argh!
* Hindi ako nauubusan ng excuses.
* Kapag sinabi kong hindi, hindi talaga.
* Panahon pa lang ng Girl Interrupted ay paborito ko na si Angelina Jolie.
* Uno ang grade ko sa Lit 101 hanggang Lit 103, pati sa Philo, Psyche at Humanities, Singko naman ako sa Algebra at Stat.
* Pinatawa ako ng malakas ng titser ko ng isandaang beses sa klase noong hayskul ako.
* Never akong napupu sa panty ko noong elementary ako, muntik lang. Hehehe.
* Mama’s girl ako, underground nga lang.
* Hindi ako nangha-hardcore ng babae, nakakatakot, baka masaktan ko siya.
* Hindi ako marunong manligaw dahil hindi ako nanliligaw.
* Bihira ako magsabi ng I Love you, lalo na ang Mahal kita.
* Hindi ko alam kung totoo, pero sabi nila, masarap daw akong umungol.
* Mabait ako.
* Willing akong sumunod sa babaeng mahal ko basta alam ko na kaya niya akong panindigan at kaya niyang maging consistent sa kanyang pagiging dominante at matapang.
* Ayoko sa lahat, niloloko ako. Hindi ako madaling magpatawad.
* Tahimik ako kapag masaya ako. Maingay ako kapag malungkot ako.
* Naiinis ako kapag kinukurot kurot ako, pero kapag gusto ko ‘yung taong kumukurot kurot sa akin, feeling ko ang kyut kyut ko.
* Malaki ang takot ko sa mga estero, sa maduming ilog at dagat. Kahit malinis ang dagat takot ako. Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya na a-arouse ako sa babaeng magaling lumangoy, lalo na ang babaeng magaling sumisid. (’yan ang segue)
* Takot ako sa mga malalaking drum at banga, feeling ko may halimaw na lalabas doon at kukunin ako. Halimaw sa banga ang unang pelikulang napanood ko sa sine at trinangkaso ako dahil sa lesheng pelikulang ‘yun. Ngayon kapag pinapanood ko siya, natatakot pa din ako kahit ang korni korni ng mga effects at ang pangit ni lotlot de leon.
* Adik ako sa Videoke.
* Peyborit ko ang Hamburger, kahit anong klaseng hamburger.
* Ayoko ng ginagawang biro ang pagkain, ang iniistorbo ako sa pagkain at binababoy ang kinakain ko.
* Romantika akong babae.
* Matindi ang obsession ko kay Barbara Millicent Roberts.
* Sinungaling ako.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





“Selosa ako, pero pasikretong selos lang. Ako ‘yung tipong gusto ng umiyak sa sobrang selos pero pinapakita kong wala akong pakialam. kapag mag-isa na ako, doon na aatake ang lungkot.”
sobrang ganto ako
Posted by >. at November 6, 2010, 1:26 am