Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..
ang seldang gawa ng iyong kariktan,
na akin ngayong kinasasadlakan,
ay hindi kayang buwagin ng unos,
at tunawin ng perpektong kirot
Ga’ano kahirap matutong mag-isa?
March 11, 2010Saan nga ba papunta ang relasyong mayroon tayo?
gayong alam nating ito ay mali. maling mali.
mahirap palang magkunwari na hindi tayo matatapos kung sa umpisa pa lang, kapwa natin batid na hindi tayo kailanman maaaring magsimula.
Ikaw ay ang nagsilbing yakap na aking nadarama tuwing sumasapit ang gabi, lalo na’t kung itoy lilipas na ako’y nag-iisa.
Ikaw ay ang araw at ako ay ang mundo, at ang sinag mo’y pumuno sa kadiliman ng aking buhay, at ako’y umiikot sa buhay mo gayong hindi tayo kailanman magkakalapit.
Ikaw ay ang dagat, ako ang buhangin, patuloy kang bumabalik sa akin ngunit ang manatili sa akin ay hindi kailanman magaganap dahil patuloy kang hihilain ng hangin palayo sa akin.
at kahit mahirap, kailangan kitang pakawalan…
Itinulak ka sa akin palapit ng kapalaran, dumating ka ng hindi ko namamalayan at ang buhay ko’y naging patungkol lahat sa iyo.
Sabi mo’y hindi natin tiyak kung tayo padin ba pagdating ng bukas, at alam kong kailangan kong maging malakas dahil ang nag-iisang sigurado sa ating relasyon ay ang ating paghihiwalay.
Ilang beses ko bang pinigilan ang sarili kong mahalin ka, at ilang bese din akong nasaktan tuwing pinagpipilitan kong hindi kita kailanman magagawang mahalin.
Pa’no ko nga ba pipigilan ang iyong paglayo kung ang mga buhay natin mismo ang nagsasabing kailangan nating magkalayo?
…
Araw-araw padin kitang hinihintay sa labas ng gate namin, umaasang muli kitang makikita doon na nagdaraan.
tuwing hapon ng sabado, muli’t muli akong naglalakad papunta spalayan upang maupo sa sementong hugis pagong. hinihintay ang tuluyang pagsuko ng araw sa gabi.
at tuwing papatayin ko ang ilaw, bakit hindi ko maiwasang hintayin ang mabini mong pagyakap sa akin at ang mahina mong pagbulong ng goodnight?
araw-araw padin akong dumadalaw sa luma ninyong bahay na ngayon ay wala ng nakatira kahit na ang tanging sasalubong sa aking pagdating ay ang karatulang kahoy na may nakasulat na For Sale na nakasabit sa kalawangin ninyong gate…
patuloy akong nabubuhay. gumigising tuwing umaga, natutulog tuwing gabi, pumapasok, ngumingiti, humihinga.
at tuluyan ka na ngang umalis at naglaho…
ang akala ko’y malaya na ako sa iyo, ngunit mali ako.
dahil ikaw ay ang ulan na dumidilig sa mundo,
at para sa iyo, patuloy mo akong didiligan dahil sa iyong pagtingin, mananatili lamang akong isang tuyot at tigang na lupa…
mahirap matutunan kung pa’no bumalik sa pag-iisa.
+august 13 2005+




