Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..




ang seldang gawa ng iyong kariktan,

na akin ngayong kinasasadlakan,

ay hindi kayang buwagin ng unos,

at tunawin ng perpektong kirot




Home » Archives » March 2010

Ga’ano kahirap matutong mag-isa?

March 11, 2010

Saan nga ba papunta ang relasyong mayroon tayo?

gayong alam nating ito ay mali. maling mali.

mahirap palang magkunwari na hindi tayo matatapos kung sa umpisa pa lang, kapwa natin batid na hindi tayo kailanman maaaring magsimula.

Ikaw ay ang nagsilbing yakap na aking nadarama tuwing sumasapit ang gabi, lalo na’t kung itoy lilipas na ako’y nag-iisa.

Ikaw ay ang araw at ako ay ang mundo, at ang sinag mo’y pumuno sa kadiliman ng aking buhay, at ako’y umiikot sa buhay mo gayong hindi tayo kailanman magkakalapit.

Ikaw ay ang dagat, ako ang buhangin, patuloy kang bumabalik sa akin ngunit ang manatili sa akin ay hindi kailanman magaganap dahil patuloy kang hihilain ng hangin palayo sa akin.

at kahit mahirap, kailangan kitang pakawalan…

Itinulak ka sa akin palapit ng kapalaran, dumating ka ng hindi ko namamalayan at ang buhay ko’y naging patungkol lahat sa iyo.

Sabi mo’y hindi natin tiyak kung tayo padin ba pagdating ng bukas, at alam kong kailangan kong maging malakas dahil ang nag-iisang sigurado sa ating relasyon ay ang ating paghihiwalay.

Ilang beses ko bang pinigilan ang sarili kong mahalin ka, at ilang bese din akong nasaktan tuwing pinagpipilitan kong hindi kita kailanman magagawang mahalin.

Pa’no ko nga ba pipigilan ang iyong paglayo kung ang mga buhay natin mismo ang nagsasabing kailangan nating magkalayo?

Araw-araw padin kitang hinihintay sa labas ng gate namin, umaasang muli kitang makikita doon na nagdaraan.

tuwing hapon ng sabado, muli’t muli akong naglalakad papunta spalayan upang maupo sa sementong hugis pagong. hinihintay ang tuluyang pagsuko ng araw sa gabi.

at tuwing papatayin ko ang ilaw, bakit hindi ko maiwasang hintayin ang mabini mong pagyakap sa akin at ang mahina mong pagbulong ng goodnight?

araw-araw padin akong dumadalaw sa luma ninyong bahay na ngayon ay wala ng nakatira kahit na ang tanging sasalubong sa aking pagdating ay ang karatulang kahoy na may nakasulat na For Sale na nakasabit sa kalawangin ninyong gate…

patuloy akong nabubuhay. gumigising tuwing umaga, natutulog tuwing gabi, pumapasok, ngumingiti, humihinga.

at tuluyan ka na ngang umalis at naglaho…

ang akala ko’y malaya na ako sa iyo, ngunit mali ako.

 

dahil ikaw ay ang ulan na dumidilig sa mundo,

at para sa iyo, patuloy mo akong didiligan dahil sa iyong pagtingin, mananatili lamang akong isang tuyot at tigang na lupa…

mahirap matutunan kung pa’no bumalik sa pag-iisa.

 

 

+august 13 2005+

 

Posted by leserotika at 8:48 pm | permalink | comments[2]

Re-Posted — Babaeng may bayag (Para sa buwang pangkababaihan)

March 10, 2010

Kahapon, sa Lrt, naulinigan ko ang pag-uusap ng dalawang babae, ayon sa kanila, babaeng babae daw sila, masusukat daw yun sa hitsura nila, sa pananamit nila, sa pagsasalita, sa mga gustong topic na pag-usapan,sa choice of music, sa pelikulang gustong panoorin, sa ugali, sa PMS, sa mga katarantaduhan nang isang pagiging babae. mapustura, banidosa, suplada, maingay, madaldal. ang sarap sumabat sa usapan nila, ang sarap nilang kotongan, kasi hindi purkit nireregla ka, hindi purkit maarte kang manamit at sinusunod mo ang batas nang pagiging babae na matagal magbihis at maligo, hindi purkit may puki ka,hindi purkit binubunot mo ang buhok mo sa kilikili at winawax ang buldot mo, kayang kaya mo nang sabihin ng harapan sa mundo na isa ka ngang babae.

para sa akin, dalawa lang ang klase ng babae,

iyong babaeng stagnant sa kanilang sekswalidad

at ang babaeng may tapang na lumabas sa naka kahong kahulugan ng salitang BABAE. ibig sabihin, isang babaeng hindi basta babae lang, kundi isang babaeng may HALAGA.

Sige, timbangin natin ang aking pagkababae, una, pagdating sa musika.

mostly ng mga nasa playlist ko, sila mary j. blige, pussycat dolls, tamia, vonda shepard, fergie, asia cruise, li’l wayne, kanye west, beyonce, shontelle, gwen stefani, pink, katy perry, keysha cole, justin timberlake, dido, tori amos, fiona apple, cranberries, alicia keys, natalie, destiny’s child…

o eh ano ngayon di ba? halos lahat naman ng babae, mahilig sa music na ganyan, pang girl. magiging extra ordinary ba ako pag nahilig ako kay mozart? magkakaroon ba ako ng silbi sa lipunan kung maging paborito ko si enya? hindi di ba?

kasi ang utak at halaga ng isang babae, hindi masusukat sa gusto n’yang mga musika. isang kaululan iyon.

pangalawa, sa mga pinapanood na pelikula, drama series at kung ano ano pa. ako, mahilig ako sa classic na filipino movies, tulad ng karnal, ganito kami noon pa’no kayo ngayon, tatlong taong walang diyos, oro plata mata, tinimbang ka ngunit kulang, at sa foreign movies and shows naman,tipikal ang gusto ko, sex and the city, samantha who, desperate housewives, CSI, Mistresses,Five sisters,O.C,felicity at syempre ally mcbeal, hindi ako mahilig manood ng chick flicks, hindi ako nahilig sa TGIS at gimik,sa mga primetime bida ekek na yan,hindi din ako taga subaybay ng mga love team na yan at bwisit ako kay kc at richard lalo na kay john lloyd at sarah. hate na hate ko ang notting hill at maid in manhattan, dalawang pelikula na gustong gusto ng halos lahat ng babaeng naka daupang palad ko na. Natapyasan ba nang hindi ko pagkahilig kay julia roberts at jennifer lopez ang aking pagkababae? hindi di ba?

 may kakilala ako noon, isang babaeng aktibista, matapang, matalino, palaban pero tuwing pinapanood namin ang paborito n’yang pelikula na My bestfriends wedding, umiiyak pa din s’ya sa eksenang nasa boat si julia at ang boylet nya, nagsasayaw habang kumakanta si boy ng the way you look tonight, isang eksenang para sa akin ay napaka korni. pero s’ya, (yung babaeng kaibigan ko) bahagi daw yun ng soft side n’ya, hayaan ko na lang daw.

kasi, hindi kayang sukatin ng mga pelikulang pinapanood mo ang lalim ng iyong isip, ang tapang ng iyong pusong lumaban. iyon ang totoo.

pangatlo, ang lahat daw ng babae, tsismosa, madaldal, mahilig pumutak, hindi mapigilan sa pagsasalita. mahilig mag sabing “sabihin mo ang totoo!” pero pag nagtapat ka na, ayaw namang maniwala.

Kung ganoon, isa ngang babae ang mommy ko at ang halos lahat ng nanay sa mundo. pero hanggang doon lang ba ang dapat iputak ng babae? para sa akin, kapag ang babae ay nagkaroon ng sarili n’yang tinig at boses na umalma, lumaban at ipagtanggol ang kanyang karapatan, doon ka lamang magiging isang tunay na babae.

parang sa kaso ng lalaki, kapag natuto na daw mag jackol ang lalaki at natuto na kung pa’no mang romansa ng babae, lalaki na s’ya, pero ang totoo n’yan, lahat ng lalaki, may titi, pero iilan lang d’yan ang may bayag.

at sa babae naman, lahat ‘yan, maraming gustong sabihin, pero iilan lang diyan ang may boses magsalita.

ako, katulad ng ibang babae, kayang kaya kong makipag tsikahan sa phone ng apat na oras, kaya ko ding maglinis ng kuko sa kamay at paa habang nag fe-friendster, kaya kong magluto habang nakikipag kwentuhan sa text, at kapag broken hearted, madali akong malasing, kaya kong manood ng tv habang nag me make-up,kaya kong maglibot sa mall ng buong araw, mag stay sa shower ng mahigit isang oras, mahilig sa bubble bath,isang normal at tipikal na gawain ng isang babae.

pero kapag ganyan ka, swak na ba sa iyo ang depinisyon ng tunay na pagiging isang babae?

hindi di ba?

Kapag ikaw, bilang isang babae ay hindi hinayaan ang kahit na sino ang mang apak sa iyong pagkatao, kapag hindi ka basta basta cinderella na nag papa api sa iyong mga wicked step sisters, kapag hindi ka nakuntento sa buhay na nakakulong sa apat na sulok ng iyong pagiging babae, kapag ikaw, bilang isang babae ay ninais malaman ang dulo ng limitasyon ng iyong pagkababae, kapag ikaw na babae ay nagkaroon ng tapang na lumaban, kesehodang humawak ka ng plakard at sumigaw sa mendiola ng nag-iisa para lang isigaw ang iyong mithiin, doon ka lamang magiging isang tunay na babae.

isang babaeng hindi lang basta nanay kundi isang babaeng marunong maging ina,

isang babaeng hindi lamang karamay kundi isang kaibigan,

isang babaeng hindi lang basta asawa kundi katuwang sa buhay,

isang babaeng may silbi, may kwenta at hindi lang basta pagpapaganda ang alam.

isang babaeng may suso, may pekpek, may balakang at may bayag.

ikaw nga…

ay isang tunay na babae.

Posted by leserotika at 7:45 pm | permalink | comments[1]