Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..
ang seldang gawa ng iyong kariktan,
na akin ngayong kinasasadlakan,
ay hindi kayang buwagin ng unos,
at tunawin ng perpektong kirot
Habang tayo’y nagniniig
January 18, 2010ibabahagi ko sa iyo ang mundong itinago ko sa iba… na habang binabayo mo ang aking kaselana’y ihihimlay ko sa gitna nang malungkot mong mga ungol ang aking dangal… hindi ko rin kalilimutang ihandog sa iyo ang aking mga saloobin habang walang habas mong kinukutya ang aking balat ng mainit mong halik na wala kahit isang katiting na damdamin para sa akin…
habang tayo’y nagniniig, ikukuwento ko sa iyo ang aking buhay na hindi ko kailanman pinarinig sa iba, at pilit kong ‘di papansinin ang mga titig mo sa kabuuan ko na para bang hindi mo ako kilala…
habang tayo’y nagniniig, luluha ako ng lihim sa likod ng anino ng gabing pinagkakanlungan mo upang sana’y masilip ko ang ngiti mong ilang beses mo nang iipinagkait sa akin…
habang tayo’y nagniniig,hahayaan kong libakin mo ang aking pagsinta ng iyong mga pangakong pinarupok ng tawag ng lamang hindi natin kapwa matanggihan…
habang tayo’y nagniniig, kakalimutan ko pansumandali ang mga pader na nakapagitan sa atin dahil habang tayo’y nagniniig, papaniwalain ko ang aking sarili na sa tuwing ang katawanan nati’y nagiisa ang mga damdamin nati’y nagkakalapit…
habang tayo’y nagniniig, hayaan mo sana akong papasukin ka at makita ang iyong mukha, pagsapit ng umaga…
habang tayo’y nagniniig, iyayakap ko ang aking mga binti sa iyong balakang tulad ng pag yakap ko sa bawat sakit na iyong nararamdaman…
habang tayo’y nagniniig, ilalapit kita sa aking puso’t isipan upang madama mo na maaari mo akong kapitan…
habang tayo’y nagniniig, hayaan mo akong ibulong sa iyo ng paulit ulit ang iyong pangalan tanda na nais kong kilalanin ka.
habang tayo’y nagniniig,
tuturuan kita kung paanong sa aking kaluluwa sumiping
bagamat batid kong katawan ko lamang ang nais mong angkinin…
habang tayo’y nagniniig,
hindi mo namamalayang nabuntis mo ako nang pag-ibig…
Bonnie Raitt - I Can’t Make You Love Me (Bonnie Raitt)




