Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..




ang seldang gawa ng iyong kariktan,

na akin ngayong kinasasadlakan,

ay hindi kayang buwagin ng unos,

at tunawin ng perpektong kirot




Home » Archives » December 2009

Isang tanghaling binilhan kita ng lobong kulay pula

December 6, 2009

 

MoZella - Light Years Away (MoZella)

 

 

1

Maya…

Binilhan kita ng dalawang lobo.Kulay pula kasi iyon ang paborito mong kulay. Sabi ko sa iyo,may sorpresa ako sa iyo pag-uwi ko hindi ba? Ito na yun,itong dalawang lobong pula ang sorpresa ka sa iyo.Sana,maging masaya ka.Alam ko,magiging masaya ka.

Naglakad ako sa kalye patungo sa iyo. Palubog na ang araw. Kulay bagong balat na dalanghita ang langit at mamya lamang, magiging kulay pula ito,katulad ng dalawang lobong binili ko para sa iyo.

Makikita mo mamya, magiging pula ang daigdig.Magiging pula ako.Magiging pula ang buong paligid. Magiging pula ka.

Naupo ako sa damuhan.Tumawa ako nang tumawa habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa tali ng dalawang lobo. Mahirap na,baka kumawala pa.

2

Napakaganda mo, alam mo ba iyon? Sa unang pagkakataong nakita kita sa isang sulok ng classroom natin habang tahimik kang nakikinig sa lecture ni ma’am husayan tungkol kay martin luther,umibig na ako sa iyo.Kaya nga hinabol habol kita.Kaya nga kahit sinasabi ng mga kaibigan ko na nagpapakatanga ako sa iyo,minahal pa din kita.Kahit na malayo ang agwat ng katayuan natin sa buhay,minahal pa din kita.Hindi ko alam kung bakit.Basta ang alam ko,wala akong pakialam sa sinasabi ng iba.Mahal kita.May mas mahalaga pa ba doon?

 

3

sabi mo noong unang pagkakataong nagtalik tayo,para kang naging isang lobo,napakagaan ng iyong pakiramdam,para kang lumilipad sa itaas ng mga ulap. Parang pinuno ng hangin ang iyong paligid…

Naaalala mo ba?

Kaya nga binilhan kita ng dalawang lobong kulay pula.Para silang tayong dalawa.Ikaw at ako.Lilipad paitaas. Mataas na mataas.

Ang dalawang lobong ito ang maghahatid sa atin sa kulay pulang langit.

Ang ating langit.

4

gusto ko sanang ipaalala sa iyo kung bakit mo ako inibig noon.Kung pa’no mo binigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili na magkaroon ng isang relasyon.

Umuulan noon. Sinundan kita pauwi sa inyong lumang apartment.Nanatili ako sa labas ng inyong gate.Birthday mo kasi.Gusto ko sanang ibigay ang white gold ID bracelet sa iyo.

Hinihintay kitang sumilip sa bintana o lumabas saglit sa pintuan ngunit nabigo ako.

Matagal akong naghintay sa iyo.Paalis na ako nang lumabas ka ng pinto, umupo sa tapat ng tarangkahan at nanigarilyo.Umiiyak ka kaya nilapitan kita. Gulat na gulat ka nang makita mo ako,gulat na gulat din ako nang makita ko ang duguan mong kamay at ang bahid ng dugo sa iyong damit.

Umiyak ka.Malakas. Yumakap ka sa akin ng mahigpit.

…Napatay ko siya,Pero hindi ko sinasadya…

 

5

pinaliguan kita.Nilinis ko ang katawan mo.Patuloy ka sa pagluha. Ilang beses kitang binulungan at niyakap at hinagkan.Hindi ka tumanggi,bagkus, nang inihiga kita sa kama at marahang pinatungan at inangkin,buong puso kang nagpaubaya…

Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko.Sana, iyon din ang pinakamasayang araw sa buhay mo.

6

ibinalot natin ang duguan niyang katawan sa kumot.Magkatulong nating hinatak ito at isinakay sa compartment ng kotse ko.Bago tayo umalis upang ilibing ang bangkay ng iyong ama sa isang malayong probinsiya, hinawakan mo ang kamay ko at hinagkan ako ng mariin sa aking labi.

7

…Bakit?
…Anong bakit?
…Bakit mo siya pinatay?
…Si papa?
…Oo,bakit mo pinatay ang papa mo?
…Kasi—
…Kasi?
…Simula pa noong bata ako,ginagahasa niya na ako—
…Bakit hindi ka nagsumbong?
…Kanino? Wala akong matakbuhan.Ang sabi ko sa kanya,kung kakantutin n’ya ako, bukas na lang, i-regalo n’ya na sa akin ang araw na ‘to, birthday ko naman, pero ayaw n’ya, hindi n’ya ‘ko pinakinggan.

Katahimikan

…Gusto ko sana—
…H’wag ka mag-alala, sikreto natin ‘tong dalawa.Ikaw lang at ako ang makakaalam nito,tayo lang dalawa.

8

hindi mo alam,matagal na akong nakatayo dito.Hawak ang dalawang lobong pula,nakatanaw sa inyo.

Tumingala ako sa langit.Kulay bagong balat na dalanghita pa din ang kalangitan.Ngunit nararamdaman ko na maya maya lamang,magiging pula na ang lahat.Lahat lahat.

Bakit?Bakit maya?

Malayo pa din sa iyong kaalaman na dumating ako nung tanghaling iyon,dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinalubong ako ng kadiliman ngunit sa gitna ng dilim ay nakakita ako ng kulay pula.Magkalapat na katawan.Hindi ko narinig,bagkus nakita ko sa dilim ang mga ungol mo.Ang mga ungol n’yo.

Bumabayo.Umiigtad.Lumiliyad.

Isinara ko ang pinto, hindi ko na kailangang alamin ang kanyang pangalan o ang iyong mga dahilan.Hindi na.

Tutupukin kita,katulad ng ginawa n’yong pagtupok sa inyong katawan gamit ang init ng iyong pagtataksil.

Tulog na tulog ka pa din.Hinaplos ko ang iyong mukha.Hinagkan ang iyong pisngi.Itinali ko ang isang lobong pula sa headboard ng kama at lumabas ako ng kwarto.

Pinaliguan ko ang bahay natin,kawangis ng ginawa kong pagpapaligo sa iyo noon.Binuhusan ko ang bawat dingding,at bawat sahig.

Tumayo ako sa labas at muling tumanaw sa langit…

Sinindihan ko ang aking pag-ibig at ikaw ay nagliyab. Parang narinig ko pa ang pagputok ng lobo na nakatali sa headboard ng kama natin.

At nakita ko ang paglaki ng apoy ng aking pag-ibig na lumalamon sa iyo.Kasing kulay ng dapithapon.

Binitawan ko ang lobo at pinagmasdan ko ito habang pataas na lumilipad papunta sa langit na unti unting nagiging kulay pula.

Patungo na ako sa iyo.

Dahil ang iyong kamatayan ay ang langit kong inaasam…

Posted by leserotika at 8:25 am | permalink | comments[2]

I kissed a girl

December 3, 2009

 

Ewan ko kung bakit iniisip ng iba na Lesbian song ang shit na ‘to ni Katy perry. Oo, gusto ko si katy, pero ‘di ko kasi maintindihan bakit iniisip ng mga engot na les diyan na p’wedeng gawing national anthem ‘tong kalokohang ‘to. Maganda ‘yung kanta, lalo na sa Gossip girls ko s’ya unang narinig, isang chick series na talagang sinusundan ng mga super straight girls.

Gusto ko ang I kissed a girl, pero hindi dahil sa inisip ko na isa s’yang lesbian song? nag-iisip ba sila?

2008 n’ung sumikat ito at halos lahat ng mga kakilala kong les, nasa page web page or fs accnt nila ang kantang ‘to, at feel na feel pa ng mga loko, ‘di nila alam, ang e-engot nila sa paningin ko. Kung ikaw sa sarili mo, alam mo na les ka, heart and soul, ‘di mo maiiisip na lesbian song ‘to dahil lang sa mother fucker na linyang “I kissed a girl and I liked it…”

dahil ang next na linya eh;

“I hope my boyfriend don’t mind it.”

Kung lesbian ka, natural, wala kang boyfriend.

Ang kantang I kissed a girl ay isa lang kanta ng mga curious straight girls, mga indecisive, faltering pussies na gustong mag adventure. ‘yun lang, for the sake of adventure lang…

Marami akong kilalang girls na sa sobrang adventurous shit nila, hindi na nila alam kung ano ang gusto nila at kapag nandoon sila sa gitna, na e-engot at nalilito, aarte sila na may Identity crisis shit sila, minsan pa, kapag ‘di talaga nila gets kung ano ang magpapasaya sa kanila, ayun ikakategorya na nila ang mga sarili nila as LESBIANS.

at damn damn ‘yun.

Tandaan:

“You’re my experimental game, just human nature…”

Ang mga shitty line na ‘yan ay hindi mo maririnig sa isang Lesbian, mga straight lang ang nagsasabi n’yan.

Kung isa kang lesbian at alam mo ‘yan sa sarili mo, hindi mo gagawing tools for experimentation ang babae. 

 

 

Posted by leserotika at 9:42 am | permalink | comments[4]

Umpugan

nais ko sanang paibigin ka.

iyong tipong ako lang ang iisipin mo,

iyong tipong papahalagahan mo ang

mga simple kong text message na, “mag-iingat ka”

okay lang naman sa akin kung gustuhin

mo na tumayo tayo sa Lrt train,

kahit maraming bakanteng upuan,

para lamang tuwing hihinto ito ay mapapakapit

ka sa aking braso.

walang kaso sa akin,

kung gusto mong ginegirl ako

at hinihimas himas ang aking binti

sa ilalim ng lamesa

habang nagkakape tayo sa mocha blend.

hindi din problema sa akin,

kung gusto mong makipaglampungan

sa malawak na field ng UP

habang nag-iimagine na tayo ay nagniniig

sa likod ng fertility tree.

hindi ako aangal kung gusto mong

landiin ang aking tuhod

sa pamamagitan ng daliri mo sa paa

habang nasa kusina si mommy

at nagluluto ng tinola.

hindi ako iiyak sa mga panahon

na gusto mong maglaro tayo ng luksong tinik

sa ibabaw ng kama,

habang pinapagpag mo ang bed sheet

na nais mong magkulay pula.

wala kang maririnig sa akin

kung sa gitna ng kalsada ay pababain mo ako

sa iyong sasakyan

at pakainin ng alikabok

na iyong iiwanan.

 

wala din namang kaso sa akin kung nais mong

tumayo sa likuran ko habang tumitingin

ako ng magandang pelikula sa labas ng

sinehan,

habang ang iyong palad ay prenteng nakasapo

sa aking puwitan

at nilalaro ng iyong daliri ang terante ng suot

kong panty habang sa batok ko’y

patuloy mo akong hinihingahan.

 

hindi ko din naman iniisip magreklamo

kung nais mong tayo’y magpatungan,

habang nakahiga sa buhanginan

at humahalakhak kang hinahaplos haplos

ang aking tadyang.

 

nais ko sanang paibigin ka,

kahit madalas mong kagatin ang

aking tenga

at maghinanakit tuwing ako’y may regla

at baklasin ang butones sa aking blusa

upang mapaligaya ka

sa larong ang hatid sa akin ay luha.

nais ko sanang paibigin ka,

sa gitna ng ating taguan,

sa ilalim ng buwan,

kahit ako palagi ang taya,

hindi ako iimik o magsasalita

at sana,

sa oras na ikaw ay aking matagpuan,

ang ibigin ako’y iyo sanang

matutunan.

 

 

Kanlungan

 

…ididiin ko ang aking labi sa iyong dibdib,

katulad nang pagdiin ng aking pangako sa iyong puso,

Sisipsipin ko ang iyong utong,

kwangis nang pagsipsip mo sa aking lakas

tuwing tayo’y nagkakalayo…

 

…pag-iinitin ko ang iyong katawan,

kasabay nang pag-iinit ng ating pagtitinginan,

Hihipuin ko ang iyong kaselanan,

Kasabay nang iyong paghipo sa maselan kong puso…

 

…Didilaan ko ang iyong singit,

Habang ang iyong alaala’y pumapasok sa bawat

eskinita ng aking isipan,

Ibabaon ko ang aking daliri sa iyong hiyas,

At huhugutin ito na may dalang pag-ibig,

May kadikit na malagkit na pagsuyong

hahamon sa ating bawat pasakit…

 

 

SUYO

 

Para ka kasing ligaw na buhawing

sa puso ko’y nanalanta,

isang mayuming lindol na nangwasak

sa tinutuntungan kong lupa,

o ‘di kaya’y isang tahimik na unos

na sa aki’y gumambala,

kasabay nang paghulog ng bulalakaw

tanda ng matiwasay na pagpaparaya.

Ikaw ang damo na walang pahintulot

sa pag-usbong,

at isang hanging ang dala’y matutulis

na alon,

ang dagat nang iyong pagsuyo

sa akin ay lumulon,

mula sa aking pagkalunod bakit ‘di

na ninais umahon?

dahil sa tuwing lumilitaw

ang kalamidad ng iyong mga titig,

ginigimbal nito ang puso kong kayang

durugin ng iyong mga bisig,

ang takipsilim man sa iyong piling

ay mauwi sa bangungot,

ihimlay mo ako sa nanlalapnos mong

halik hanggang sa aking pagtulog.

Mahal,

dahil tuwing ang mapanupil mong

ngiti ay aking nasisilayan,

isang trahedyang pagsinta ang

aking kawawakasan…

Posted by leserotika at 4:18 am | permalink | comments[4]

Dyugdyugan

Kelly Clarkson - All I Ever Wanted 06 Already Gone(1) (Kelly Clarkson)

 

 

 

Hinanap kita at muli kitang natagpuan.  pang tele drama ang dating, (pero sa totoo lang di ako mahilig manood ng teledrama) nagkita tayo ng hindi sinsadya sa SM. pinaka awkward na lugar. sa grocery department. kasi ang iniisip ko noon na tamang lugar para tayo muling magkita ay sa isang magandang park, sa ilalim ng warm afternoon sun, para sana kahit papano, may touch ng romance, may sweet effect, pero taena, nakita mo ako habang hawak ang isang pack ng whisper with wings. nagkatitigan tayo, hanep. ‘di ako makapagsalita, nag mukha na naman akong tanga. at nangyari ang pinakaiiwasan kong mangyari… kasi umiyak ako. umiyak ako na parang bata at nang hahawakan mo ang braso ko, itinulak kita at iniwan ko at nagmamadali akong umalis, kainis ka, kasi hinabol mo ako, bakit pa? ayos talaga ang drama, sa harap ng costumer service area, niyakap mo ako ng mahigpit. isang pamilyar na yakap na paulit ulit akong niyayanig sa gitna ng aking mga panaginip. Choz! niyakap mo ako, matagal. umiyak ako nang umiyak at syempre, niyakap din kita habang ang mga sales lady at mga bagger boys at ang ibang mga nagdaraan ay nakatingin sa atin. nang uusyoso.

nasa loob tayo ng kotse mo. hanep ka talaga, kasi dati isang lumang maroon na lancer ang sasakyan mo, sabi mo noon pinakulayan mo lang ‘yon, maroon kasi markado ka ng UP, pero ngayon naka chev ka na. wala akong kibo sa passenger seat, habang ikaw, nakatitig sa labas. sinulyapan kita, hanggang ang sulyap ko, nauwi sa malalim na pagkakatitig sa iyong mukha. napakaganda mo pa din, I despised your beauty, alam mo ‘yun ‘di ba? kasi, alam ng diyos, alam ng lahat ng tao pati ng pamilya ko kung ga’no ako nahumaling sa gandang iyon. napadako ang tingin ko sa malalim mong hiwa sa baba, sabi mo, kapag may ganoon ka malakas ang sex appeal mo. nakakatawa talaga ako. tumingin ka sa akin, at sa lahat nang pinaka hate kong question, ibinato mo sa akin ang “Kumusta ka na?” taena mo. gusto kitang lapirutin sa mukha. pero di ko ginawa. inagaw mo sa akin ang cellphone ko at nagpipindot ka doon. pinagring mo ang cp mo para makuha ang number ko. ganoon pa din ang ugali mo. bossy. di marunong makiusap. kinukuha ang mga bagay sa mabilisang paraan. nagpatugtog ka ng cd. mahilig ka pa din kay alicia keys. akala ko tapos na ang pag iyak ko kanina sa loob ng mall, pero may part two pa pala, kasi nang haplusin mo ang mukha ko, umiyak ako ulit, na may kasamang impit na hagulgol. at hinalikan mo ako sa labi na may diin at pakiusap, at paghingi nang pang unawa at… pagmamahal? bugok, hindi ka nga niyan minahal noon, nag iimagine ka pa. muli kong naramdaman ang init ng iyong haplos at halik habang sa background natin ay tumutugtog ang napaka soulful na wreckless love ni alicia keys.

wreckless love ka diyan!

gabi. hindi ako makatulog, ito na naman ako, ang dating moron na naghihintay sa text o tawag mo. pero nung hinatid mo ako sa apartment, wala kang sinabi. ngumiti ka lang. iyong side way grin na nagpapakilig sa akin noon. alas dos ng umaga, tumawag ka, sabi mo sunduin mo ako. ako naman ‘tong si tanga, naligo agad, nagpaganda, pumorma. alas tres, narinig ko ang pagpitpit mo sa labas pagkatapos ng isang maiksing text na, “labas ka na,dito na ‘ko”

nag road trip tayo, kwento ka nang kwento, tungkol sa girlfriend mong doktora ng st. lukes, tungkol sa mga kapatid mo, tungkol sa trabaho mo. tanong ka nang tanong sa akin, pero di ako sumasagot. ewan ko kung bakit, siguro kasi natatakot na akong ipaalam sa yo ang ang happenings ko sa buhay, kasi alam ko na pagkatapos nito, bigla ka na namang mawawala na parang bula at ayokong i extend ang apat na taong paghahanap sa sampung taon. sabi ko sa’yo, may girlfriend na din ako. hindi ka kumibo. dumiretso tayo sa apartment mo at nang nasa loob na tayo, sumulyap ka sa akin, isang sulyap na parang nagsasabing; “alam mo na kung sa’n ‘to patungo, you have all the time in the world para mag backout” na sinagot ko naman ng sulyap na nagsasabing; “i dont want to miss this for the world”

Mental telepathy. ayos. kelan pa natin natutunan ‘yon?

bago ang lahat, nanood pa tayo ng lost and delirious. pagkatapos, ayun na, kelangan ko pa bang i detalye? naghalikan tayo, nagyakapan, naghawakan… na talaga nga namang mauuwi sa isang pagtatalik sa ilalim nang nakaka antig damdaming kanta ni cristina aguilera na Hurt.

Ayos.

matagal na tayong tapos pero nanatili tayong tahimik. ayokong yumakap sa’yo, gusto ko na kasing tumayo at umalis at magtago. napaka unfair ko sa sarili ko, napaka unfair ko kay celine. napaka unfair ko sa mundo. part three nang pag iyak. pero this time, umatungal na ako. nagulat ka, yayakapin mo sana ako pero itinulak kita at malakas na sinampal sa mukha. syempre, para mas convincing ang mga sasabihin ko sa iyo pagkatapos. sinigawan kita, minura kita…kasi, niloko mo ‘ko, kasi pinaasa mo ‘ko, kasi iniwan mo ‘ko, kasi sinaktan mo ‘ko, kasi mahal kita. kasi, mahal na mahal kita noon… pero sinayang mo. naaalala mo, eighteen lang ako ng makilala kita, inlove na inlove ako sa’yo, sabi ko, ikaw ang dream girl ko. ‘di ako nakipag relasyon nun kasi pakiramdam ko magtataksil ako sa pagmamahal ko sa ‘yo kahit ‘di mo ‘ko nun pinapansin, kasi nga, beinte tres ka na nun at ang ganda ganda ng girlfriend mo. twenty one na ako ng maging tayo. kasi dalagang dalaga na hitsura ko, nag g gym na ‘ko, nagbabasa ng cosmo, ng vogue, nag me make up. twenty one ‘din ako nung bigla kang naglaho sa buhay ko. at nung makita kita sa sm, bumalik ako sa pagiging eighteen, bumalik ako sa dating ako na na nawawala sa sarili kapag kaharap ka. napakalaki kong tanga.

unfaithful na nga, tanga pa.

pero nung mga sandaling nag se sex tayo, marami akong natuklasan. kasi, oo, mahal pa din kita, hindi naman nawawala ang love ‘di ba? iyon nga lang, natatakpan iyon ng mas mabigat at mas malalim na pag ibig sa iba. iyong pagmamahal ko sa iyo noon, na overshadow na nang pagmamahal ko para kay celine, at pagmamahal ko sa aking sarili.

Umalis ako ng apartment mo, papasikat na ang araw at para sa akin, iyon ang pinaka maliwanag at maaliwalas na bukangliwayway sa aking buhay. kasi ang mahaba nating kwento na naka bitin sa hangin ay nagkaroon na ng katapusan. kailangan lang talaga kitang makita at makasama para matuklasan ko ang klase ng pagbangon na magliligtas sa akin palayo sa bitterness na iniwan mo sa aking puso. tapos na tayo.

at ang mga naganap sa ating dalawa ay hindi pag iisa ng dalawang katawan, ang lahat ay isa lamang alinsangan ng katawang naiwan nang isang nakamamatay na tagtuyot ng ating relasyon.

hindi pagniniig, kundi isa lamang pag dyu dyugdyugan ng dalawang kaluluwang hindi na kailanman maaaring maging isa.

… love is, it’s just is and nothing you can say to make it go away, because it is the highest point why we are here, it is the highest point and once you’re up there and looking down in everyone else, you’re there forever, and you cannot move, cause if you move, right… you’ll fall…

Lost and Delirious

Posted by leserotika at 3:52 am | permalink | comments[1]