Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..




ang seldang gawa ng iyong kariktan,

na akin ngayong kinasasadlakan,

ay hindi kayang buwagin ng unos,

at tunawin ng perpektong kirot




Home » Archives » 25. November 2009

Latay

November 25, 2009

Naalala mo, hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkasama dito, ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili, kung bakit tuwing nobyembre’y paulit-ulit akong nagtutungo dito sa loob ng mahigit apat na taon. saan ko nga ba nais humugpong? saan nga ba ako pahugpong? nakakatawa, ngunit hanggang ngayon ang puso ko’y hindi magawang magkaila. muli’t muli’y bumabalik ako sa malamig na sinapupunan ng baguio, bagamat bumabalik ako sa maynila na hindi bagong tao, at ang lamig nito’y mananatili sa loob ng aking kaluluwa, kahit na ba agad itong papawiin sa aking katawan ng mainit na hininga ng maynila.

Mahal, apat na taon ko nang nadarama ang kakaibang pangangatal, at walang init ang dito’y makakatighaw.

Hindi ko saulo ang kasingit singitan ng baguio, hindi ako mahilig sa pino o sa strawberry o sa sunflower, hindi din ako nakakaintindi ng ilocano at ang klima dito’y isang pasakit para sa akin. ngunit bakit nga ba kahit kaila’y hindi ako nanghinawang sumilip sa matatarik na bangin, bakit nga ba agad akong naglilimos sa mga pulubing igorot sa burnham, bakit nga ba muli’t muli akong namamangha sa tanawin sa mines view, bakit nga ba paulit-ulit na pinapatahimik ng pink sisters ang aking diwa?

Noong isang araw ay nagsimba ako sa baguio cathedral. mag isa lamang ako. walang kasama. sa ganitong paraan lamang ako nagiging malaya. Pumunta ako sa market, kahit wala akong bibilhin. naglakad lakad sa kalye ng bokawkan, ng holy ghost, ng magsaysay, ng bonifacio, namasyal sa camp john hay, nagliwaliw sa teachers camp, sa botanical garden at matagal na tumayo sa gilid ng kalye ng loakan. Wala akong kamag-anak sa baguio, wala akong kaibigan o kakilala. para sa akin, ang baguio ay isang estrangherang ngumiti sa akin nang kami’y magkasalubong, isang lenggwaheng kahit kaila’y hindi ko matututunang bigkasin, gugulin ko man ang kalahati ng aking buhay sa pag-aaral nito. Ngunit natutunan kong mahalin ang baguio, kung may sapat man akong dahilan o wala ay hindi na iyon mahalaga. Para kaming dalawang magkasintahan, paulit -ulit man niya akong saktan ay paulit-ulit ko din siyang patatawarin at babalikan.

Maraming mukha at anyo ang baguio, ngunit ang lahat ng mukha at anyo nito’y naglalarawan sa iyo. nakikita kita sa lahat ng puno, sa mga ulap, sa mga bulaklak, sa dapithapon, nadarama kita sa madaling araw, sa bukang liwayway at nadirinig kita sa mga ugong ng sasakyan at sa bulong ng hangin. dito ko muling binubuhay ang iyong alaala. hindi ba’t sabi mo’y nagalugad mo na ang bawat sulok ng baguio? dahil lumaki ka sa lugar na ito, dito ka nabuhay, ang lugar na ito ang naging saksi nang historikal mong kaganapan. ito ang lugar na inibig mo ng lubos.

Saan ko man idako ang aking mata’y nakikita kita. mula sa mga bumibili sa palengke hanggang sa mga tumatawid sa kalsada. inikot ko ang baguio dahil para ko naring inikot ang buhay mo, kinilala ko ito, sa gayon ay para na rin kitang nakilalang muli. kapag naririto ako, pakiramdam ko’y kapiling kita. dahil nayapakan ko ang lupang dati’y kinatayuan mo, nilakaran ko ang  mga kalyeng dati’y dinaanan mo, nakita ko ang kabuuan ng baguio na dati’y tinitigan mo, nilanghap ko ang hangin na dati’y inihinga mo. doon lamang tayo muling nag-iisa, doon lamang. dito lamang. dito lamang kita muling nakakatalik.

naaalala mo ba? pilit mo akong isinasama dito sa baguio noong tayo pang dalawa, ngunit tigas ang aking pagtanggi, hanggang sa tuluyan ka na lamang naglaho, bigla kang nawala sa aking buhay ng walang paalam. hinanap kita, ngunit hindi kita natagpuan, dito sa baguio lamang kita muling nararamdaman.

Apat na taon…

Nobyembre noon nang huli kitang makita. hindi ko man lamang nalaman na iyon na pala ang huling araw na makikita kita, di sanay nayakap kita ng mas mahigpit kaysa dati, di sanay nahagkan man lamang kita kahit sa huling pagkakataon.

Ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta ng hillside at pagmasdan ang lugar na iyon, dahil ayon sa iyong mga kwento noo’y doon ka lumaki at nagkamulat. hindi ako nagtagal, umalis din ako agad, hanggang ngayon, ako parin ay naduduwag.

Lumuha na naman ako mahal, katulad noon, katulad ng dati.

Bago ako umuwi ay nagtapon ako ng puting rosas sa bangin ng mines view, hindi na din ako humiling at naghagis ng coin sa wishing well. parang bigla akong nabagot. ngayon lamang ako nabagot sa baguio.

hindi ko alam kung nasaan ka na ngayon. siguro’y hindi ko na din gusto pang alamin. hindi ko din alam kung babalik pa ba ako dito sa susunod na taon, maaaring hindi na.

Lumalatay sa aking katawan ang mapait na lamig ng baguio,

kasabay nang paglatay ng malamig at mapait mong alaala sa napapagod ko ng puso…

 

 

Rascal Flatts - What Hurts the Most(good version) (Rascal Flatts)

 

Posted by leserotika at 11:28 pm | permalink | Add comment

Kunilingus

Sana’y natuwa ka sa ginawa mong pag fi-finger habang nakikinig sa symphony five ni beethoven at malamang, inungol mo ang speech mo noong nakaraang convocation mo sa banyo at piping hiniling na sana’y nasa ilalim ka ng punong balete, kaulayaw ang maalamat na white lady at pinagsasaluhan ang kapeng barako ng starbucks. minsan gusto mong ginagawa iyon habang nanonood ako at pinipintahan ang pintakasi ng iyong katauhan na tinatakan ng rose tattoo at piercing sa nipples mong kulay baby pink na aking kinaiinggitan.

nakakamiss din minsan ang mga nanlalagkit mong mga haplos sa aking binti na pinalambot ng blockbuster mong cream na pumupuswit sa ilalim ng nagniningning mong pwet na dinownload ko kagabi sa myownskinthemes at idinisplay sa screen ng aking dila, habang sinasamyo ng iyong ilong ang minahan ng ginto sa paanan ng aking bundok. kapag nararamdaman ko ang luho ni buttercup na agad nag ta-transform sa alter-ego ni batman na si bruce na siyang nagdadala sa akin sa gotham city na tanging sa loob lamang ng aking kaluluwa mo matatagpuan.

minsan, gusto ko na lamang takasan ang ginintuang rehas nang iyong romansa, o kaya’y magjogging paikot sa quadrangle ng iyong ‘di pantay na suso, kapartner kamo ng ‘di pantay kong kilay, para sana’y makilala ko ang lupa nang binulalo mong isipan, ngunit lagi akong bigo, dahil tuwing nagma-marathon tayo, ikaw ay nakabisikleta habang angkas mo si mary jane at walang sawa n’yang kinukutkot ang iyong g-spot sa ibabaw nang nakakahigh n’yang perfume habang inaabangan ko ang pagtulo ng iyong whitening cream at ito’y gagawin kong lotion sa skin ng aking labi.

ayaw mo kasi, ayon sa iyo, takot ka.

ikaw ang unang naging guro ko. tuwing sabado’y nagkukulong tayo sa air-conditioned studio ng iyong buhay at bubunuin natin ang tatlong oras ng organ tutorial, iyon ang mga sandaling ikinulong ko sa empty bottle ng Elizabeth Arden Sunrise at palagi ko pa ring tinititigan tuwing ako’y malungkot at nagnanais mag sayaw ng flamenco dance sa ibabaw ng pusong pang kaluwalhatian. pinuno natin ang ating piggy bank ng mga alaala nang ating mga session, binasag ko na s’ya mahal, at ginamit ko ang mga memories natin na ‘yon para ipa liposuction ang bilbil ng aking obese na pusong inihabla mo sa pagiging patay gutom at ako’y nagpa counsel sa diyos dahil sa na anorexic nating pagsusuyuan.

Kita mo naman mahal, ang galing galing ko nang pumindot ng organ, minsan, hinihimas ko pa sila nang may pagmamahal, minsan pa nga’y kinakantahan ko pa sila ng you don’t bring me flowers ni Barbra Streisand.

Noong nagdaang recital ko kasama ang aking pananabik, iniluwa kong mag-isa ang global warming palabas sa planetang nag ta-tumbling at nag a-acrobat sa iyong galaxy na tinunaw mo ng iyong acid rain.

Napakalungkot mahal, ang lungkot lungkot gawin itong mag-isa…

Dahil sa economic crisis na dinadanas nang ating papalubog na relasyon, winithdraw ko na ang mga ideneposito ko sa emotional bank, para lamang hayaan itong nakawin ng iba at tayo’y tuluyang na bankrupt, ngunit nanatili kang masaya at nakangiti. wala na akong mailalabas pa kaya pati ang pustisong ginto ni lelong ay isinanla ko na kay tambunting ngunit ito’y pinatalo mo lang sa casino royale habang masaya kang nag i-strip poker sa lamesang gawa sa purong laman ng kepyas na may brunette na bulbol.

Naalala mo ba noong nanood tayo sa betamax ng Gone with the wind at hindi mo iyon maintindihan kaya naglaro na lamang tayo ng leron leron sinta sa sala at naging background music natin ang pagtunog at paglangitngit ng mga spring sa lundo mong sofa at ang paghampas nang mga nagbabayuhang balat tuwing tayo’y pumapalakpak?

Sabi mo, baka in love ka na sa akin…

Kaya nga nagpadila ako sa kipay, kaya nga nag lip synch ako ka duet ang iyong puki at tumaya tayo sa ending ng 69, pero ang totoo mong diyalogo ay; “Frankly my dear, I don’t give a damn!”

malapit na tayong mag limang taon nang sabihin mo sa aking kinidnap ng iba ang puso mong hindi na magawang lumaya pa, at kailangan kong gumawa ng paraan upang mabawi ka, kapalit man nito ay napakalaking halaga.

isa akong tanga…

Anibersaryo nang ating pagkamatay, nag sex kayo sa tabi ng fireplace at nag miscall ang kanyang titi sa iyong kipay, ngunit ito’y aksidente kong nasagot at naglaplapan ang inyong mga itlog. tumayo s’ya sa tuktok ng iyong suso, ibinaba ang kanyang tungkod at nagmistula s’yang si moises na hinati sa dalawa ang bukal sa nanlalawa mong dagat, at ikaw ay natuklaw ng ahas at sinalakay ng sumpa ni moises sa ehipto dahil ang tubig mo’y naging dugo at ang panganay n’yo ay pinalaki mo sa lumang bote ng mayonaise na ginamit ko noon nung isalad ko ang buhol buhol nating kalibugan.

Parang holen ang inilalabas mo mahal, nagniningning s’ya sa sikat ng naka shades na araw at ito’y dinaluhong nang naka ecstasy kong bibig na dinisenyuhan ng braces na gawa sa mercury at rubber na glow in the dark.

Akala ko, kahit papa’no, minahal mo ako…

Gusto kong maghabi ng kwentong pambata gamit ang hibla ng ating alaala at gawin itong matibay na lubid, gusto kong ibigti ang aking sarili sa kisame nang iyong pag irog na pinatibay ng hindi na welding na bakal at nabitak na pintura dahil sa pamimilit ko na ipako ito sa bumbunan ng aking pag-ibig sa iyo… dahil nang panahong natuyo ang anemic na labi ng dapithapon sa boulevard of broken dreams ng ating katapusan ay ninais kong itali ang lubid nang iyong kasinungalingan sa aking leeg nang mahuli kitang may iba na namang kakantutan sa ibabaw ng ating katreng gawa sa basag na bubog ng iyong mga pangako at nilagyan ko ng 24k bracelet na gawa sa purong sugat ang aking naghihinagpis na pulso…

Posted by leserotika at 9:22 pm | permalink | Add comment

Selda

Sumiksik, umingit sa aking isip

ang tingin mong walang lagkit

nahimlay sa pag-asam

kasama ng mapanglaw na huni

nang hindi dumamping halik.

binigyang katwiran

ang kwentong ‘di ko naintindihan

sakit na ‘di alintana dahil sa

‘di malamang agam agam.

Pilit kinilala ang aking pag-iisa,

binuo ang isang lihim na hindi kailan man naipadama,

ang mga haplos na hindi dumaiti ang nagkusang humawi,

at ako ay sinukol ng sundang nang iyong ngiti.

Sinulyapan minsan ang sugat ng aking kaluluwa,

ngunit hindi nanahan at nanatili kang isa lamang ala-ala,

nanulas sa iyong labi ang bawat kong salita

binigyang uri ng iyong matang hatid ay sumpa,

at ang mundo kong tinakasan ng tino,

ako ay baliw na pumikit at nagpatangay sa iyo,

kasama ng damdaming nililok sa pighati,

at sa katotohanang wala kang maisusukli…

pangarap kong makatabi ka sa damuhan,

tumitig sa langit at tumanaw sa buwan,

ipipikit ko ang aking mata,

bubulong,

sisigaw,

hihiling,

sana… sana…

 

Iniibig kita!

 

 

 

EBA

 

Kasalanan ang dulot ng iyong kagandahan,

Natatangi at walang alam,

Nais kong gawing pahingahan ang iyong katawan,

At ang kabuuan mo’y angkinin ng lubusan.

Kung kayang isakdal ang aking pag-ibig,

Ito’y kunin mo at sa iyong dibdib ipiit,

Kung kayang saklawan ang aking pagsinta,

Ito’y unawain mo at

Idikit sa’yong alaala.

 

Nauunawaan ko ang pagkakamaling

Dulot mo,

At ang kakaibang pagsikdo at

Pag-init ng aking dugo,

Siguro nga’y kasalanan ang

Nasa likuran ng iyong ganda,

Lalo na’t kung si Eba’y

Inibig ng isang Magdalena…

Posted by leserotika at 9:11 pm | permalink | Add comment

Hawla

…tulad ng isang ibon, tao din ay lumilipad…

“Ano ba, patayin mo nga ‘yang radyo!”

“Bakit, ano ba ang pakialam mo?”

“Ayokong marinig ang pagiging madrama mo!”

“Oo, iyang pagiging madrama ko ang dahilan kung bakit tayo maghihiwalay ngayon!”

“Hindi ko kailangan ng dahilan.”

            Sandaling katahimikan. Nagsindi ng sigarilyo.

“Sige, patayin mo ‘yang sarili mo sa sigarilyo!”
”Kanina. Iyong radyo, ngayon naman ito…”

“Nangako ka na ititigil mo na ‘yan, pero tulad ng iba mo pang pangako, ‘di mo ‘din iyon tinupad…”

“Tama na…”

“Puro ka pangako, puro salita!”

“Ano ba, sabi ng tama na!”

“You have no right to shout at me, hiwalay na tayo!”

“And you have no right to tell me what to do dahil  hiwalay na nga tayo!”

            katahimikan. Lumapit. Nagyakapan. Ngunit agad ding umiwas.

“Tama na, ayoko na.”

“Talaga bang pagod ka na?”

“Oo.”

“Saan? Sa Akin? Sa sigarilyo? Sa alak? Sa drama? Sa….’

“Sa relasyon natin!”

“Hindi mo kailangang sumigaw.”

“Minsan, kailangan mong sumigaw.”

“Para saan?”

”Hindi para saan, para kanino.”

“Para sa iyo?”

“Oo,bakit hindi?”

“Ano ang gusto mong isigaw ko?”

“Kahit ano, murahin mo ako, sumbatan mo ako, kahit ano.”

“Kapag ginawa ko ba iyon, hindi ka na aalis?”

Katahimikan. Naglakad. Kinuha ang paboritong libro ni Lawrence Sanders at inilagay sa loob ng maleta. Nag impake. Nagmasid.

“Saan ka pupunta?”

“You don’t want to know.”

“Of course I want to know.”

“Bakit pa?”

“Five years.. it gave me the right to know.”

“It’s over.”

“Alam ko….”

“Hindi na natin maaayos pa ito.”

“Alam ko..”

“Kailangan na natin pakawalan ang isa’t-isa.”

“Alam ko.”

“Napakadami mo namang alam.”

“Bakit, ngayon mo lang nalaman?”

“Don’t be so sarcastic.”

“And don’t be so cruel.’

“Akala mo marami kang alam, pero ang totoo, wala!”

“Siguro nga, wala akong alam, bukod sa mahalin ka…”

“Stop it!”

“Hindi mo na ba ako mahal?”

“I said, stop it!”

“Sabihin mong hindi mo na ako mahal!”
”Hindi na kita mahal!”

“Bakit kailangan mong sumigaw? Para itago ang totoo?”

“Stop it!”

            Galit na ibinalibag ang maleta. Naupo sa gilid ng kama. Nagpigil ng iyak.

“Hindi na ba natin maaayos ito?”

“Hindi na.”

“So this is the saddest part of the play?”

“Wala tayo sa isang play, hindi ito scripted, hindi natin ito ni rehearse, walang curtain na bubukas at babagsak, walang palakpakan ng mga audience, because this is not a play nor one of your stupid and dramatic stories. This is for real!”

“Then how come, we’re not for real?”
”Shut up!”

“Kung tingin mo ito ang pinakamabuti sa iyo, sige, iwan mo ako, hindi kita pipigilan.”

“Kailan mo ba ako pinigilan?”

“Bakit, kapag pinigilan ba kita hindi ka na aalis?”

            Katahimikan. Mahihinang buntong hininga.

“Sino nga ba ang may kasalanan?”

“Pwede naman tayong maghiwalay na walang sisihan, walang masasakit na salita,walang duruan.”

“At walang dahilan.”

“Alam mo na may dahilan.”

“Ano, ang mga short comings ko, ang bisyo ko, ang pagiging dreamer ko?”

“Ikaw ang hindi tumupad sa mga pangako mo.”

“Akala ko ba walang sisihan?”

“I’m sorry.”

“Hindi ko tinupad ang mga pangarap nating dalawa.”

“Tama na.”

“Ano ang plano mo ngayon?”

“Magpapakasal na kami ni Jerry next month.”

“Alam ko, bumalik ka lang dito para kunin ang gamit mo.”

“I’m sorry.”

“No, don’t feel sorry for me. I’m sorry dahil naging duwag ako. Kailangan mo nang pagbabago sa relasyon natin pero bulag ako. Hindi man lang kita….”

“Tama na.”

“Pero talagang mababaw ang pagmamahal natin sa isa’t-isa.”

“Nagsisimula ka na naman.”

“Ang gusto ko lang pakinggan mo ako.”

“Aalis na ako.”

            Kinuha ang maleta. Pinigilan. Muling naupo. Tumitig sa magkaibang direksyon ng kawalan.

“Kapag nagsasalita na ako, umiiwas ka. Iniiba mo ang usapan. Magagalit ka kapag hindi ako nagsalita, pero kapag sinimulan ko nang magpaliwanag, ipipilit mo parin kung ano ang pagkakaintindi mo.”

“Dahil sinungaling ka. Puro ka lang salita. Puro pangako.”

“You know that I’m not that strong…”

“Oo alam ko!”

“There are times that I want you to be strong for me.”

“You know that I can’t always be strong for you.”

“I just needed your help.”

“Ano ba ang gusto mong palabasin? Nagtiis ako, naghintay ako sa pagbabago mo. Gusto kong matuto kang mangarap, dahil hindi tayo puwedeng mabuhay na puro pag-ibig lang. I want you to grow for me, grow with me, pero nanatili ka diyan sa kalungkutan mong hindi ko maintindihan.”

“At hindi kita kayang pakasalan.”

“Bahala ka sa gusto mong isipin, aalis ako, hindi dahil sa mga short comings mo, aalis ako dahil gusto kong mag-isip ka.”

“Pero hindi ka na babalik ‘di ba?”

            Walang sagot.

“Please don’t make it hard for me.”

“It’s not that easy. Hindi kita kayang pakawalan.”

“But I want you to let me go.”

            Parehong napangiti. Pilit. Mapait.

“Noon, madalas kong iniimagine na isa kang ibon o kaya’y isang tutubi. Gustong gusto kitang hulihin at ikulong at alagaan at mahalin. Lumipad ka palapit sa akin, hinuli kita, ikinulong kita, inalagaan kita at minahal. Pero hindi ko iniisip na kailangan mo din palang lumaya para magkaroon ng saysay ang iyong mga pakpak. May mga bagay na nakatadhanang panoorin mo na lamang sa malayo, ‘di dapat ikulong.”

“Thank you.”

“For what?”

“Sa lahat.”

“Thank you din.”

“You’re welcome.”

“Is this really goodbye?”

“Naghihintay na sa akin si Jerry sa gate.”

“Is there no way for you to change your mind?”

“I’m sorry but I have to go.”

“Is that your final word?”

“I think so…”

“Wala man lang goodbye, walang I love you…?”

“Aalis na ako…”

“Where do I go from here?”

“I don’t know.”

            Muling katahimikan. Tumingin sa sarili sa salamin. Inayos ang buhok at damit. Kinuha ang bag. Naghanda sa pag-alis.

“You know what. I maybe a fool to let you go, nagkamali ako nung hindi ko tinupad ang lahat ng pangako ko sa iyo. Pero mayroon akong isang pangako sa iyo na tinupad ko, at tutuparin ko parin kahit na hiwalay na tayo. Kahit na may mahal ka ng iba.”

            Walang sagot. Nakatitig sa isa’t isa.

“Hindi mo ba itatanong kung ano iyon?”

“Ano iyon?”

“Ang mahalin ka nang buong buo.”

            Mabilis na tumalikod. Lumabas ng pinto. Tumunog ang makina ng kotse. Naiwang mag-isa. Nagsindi ng sigarilyo. Uminom ng alak. Lumuha. Nakinig ng radyo.

…tulad ng isang ibon, tao ‘din ay lumilipad…

Posted by leserotika at 8:54 pm | permalink | Add comment