Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..
ang seldang gawa ng iyong kariktan,
na akin ngayong kinasasadlakan,
ay hindi kayang buwagin ng unos,
at tunawin ng perpektong kirot
Kirot
November 21, 2009
Matagal n’yang tinitigan ang braso n’yang patuloy sa pagdugo. Ang sugat nitong naghahatid sa kanyang mga mata ng labis labis na galak. Dinama ng kanyang hintuturo ang pulang likido at itinapat ang kanyang daliri sa sinag na lumulusot sa kanyang bintana.
Sumikat na pala ang araw. Maliwanag na sa labas. Tumila na pala ang ulan.
Kagabi’y bumuhos ang napakalakas na ulan na s’yang lumunod sa mundo n’yang nagsisimula nang bumalik sa pagkatigang. Bumalik s’yang muli sa dati n’yang buhay.
Malungkot.
Nag-iisa.
Doo’y naalala n’ya ang nakangiting imahe ng mukha ni hazel.
Si Hazel…
Umuulan din noon nang unang nagtagpo ang landas ng kanilang mga buhay na hindi n’ya kailanman naisip na magtatagpo.
Malakas ang hampas ng hangin sa labas. Nanatili s’yang nakaupo sa isang sulok ng cafeteria nang pinapasukan nilang unibersidad. Mag-isa at walang kibo, habang ang ibang mga kaeskwela n’ya ay lihim s’yang pinagtatawanan at kinukutya. Mariin n’yang nakagat ang kanyang labi, nais n’ya nang umiyak, wala s’yang matakbuhan, wala s’yang makilusan. Nangangatog ang tuhod na tumayo s’ya at hiyang hiya na naglakad palabas ng cafeteria. Lalong lumakas ang tawanan ng kanyang mga kaeskwela.
Palabas na s’ya ng pinto nang makarinig s’ya ng boses sa kanyang likuran.
“Miss, may tagos ka!”
lalong umugong ang tawanan. Nilingon n’ya ang nagsalita.
Si Hazel. Nakangisi ito sa kanya.
Mabilis s’yang lumabas ng cafeteria at sumugod sa ulanan. Naramdaman n’ya ang lamig na agad na nanuot sa kanyang katawan. Nangatog lalo ang mga tuhod n’ya, parang gusto n’ya nang mahimatay. Parang gusto n’ya nang mamatay.
“Miss!”
Si Hazel. Bakit ba s’ya sinundan pa nito? Para asarin? Para pagtawanan?
Hindi n’ya ito nilingon. Patuloy s’ya sa paglakad ng mabilis.
“Miss!”
Naramdaman n’ya ang paghawak ng mainit nitong palad sa kanyang braso. Sinilungan s’ya ng payong nito.
“Miss, ano bang problema mo? Bakit sumusugod ka sa ulan?” kay lapit ng mukha nito sa kanya. Amoy n’ya ang mabango nitong hininga na dumadampi sa kanyang pisngi, hinarap n’ya ito at itinulak.
“Wala kang pakialam sa akin!” sigaw n’ya at mabilis s’yang tumakbo habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
At hindi s’ya kailanman kinatigan ng kapalaran. Nadulas s’ya at bumagsak sa sementadong kalsada. Tumama ang ulo n’ya sa humps at nang maramdaman n’ya ang pag-agos ng dugo sa pumutok n’yang noo’y hindi n’ya na nakayanan ang lahat. Malakas s’yang umiyak.
Nilapitan s’ya ni Hazel at pilit s’yang itinayo, ngunit dahil sa takot ay hindi na s’ya nakakilos. Patuloy lamang s’ya sa pag-iyak.
At doo’y dinamayan s’ya ni Hazel at mahigpit s’yang niyakap.
“H’wag ka nang umiyak, tama na, tama na…”
At kapwa sila nabasa ng ulan.
Gabi. Nakahiga s’ya sa kama at nakatitig sa kisame. Inaalala n’ya ang mga naganap noong hapong iyon.
Dinala s’ya nito sa loob ng kotse nito.
Hindi s’ya tumigil sa pag-iyak. Iyak s’ya nang iyak, habang awang awa lamang na nakamasid ito sa kanya.
Hiyang hiya s’ya dito dahil tumutulo na ang dugo sa kanyang binti at alam n’yang natagusan n’ya na ang upuan ng kotse nito. Ngunit gan’un talaga s’ya, mula pa pagkabata, napakalaki ng takot n’ya sa dugo at sugat. Naninikip ang dibdib n’ya at kung minsan pa nga’y hinihimatay s’ya.
Titig na titig sa kanya si hazel, hindi n’ya alam kung ano ang iniisip nito. Ngunit hindi na n’ya magawa pang ibangon ang sarili sa kahihiyan, dahil nanghihina na s’ya dahil sa labis na takot.
Humahagulgol na kinuha n’ya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang kanyang mommy. Ang kanyang mommy lamang ang kanyang natatakbuhan, ito lamang ang nag-iisang tao na kanyang sinasandalan.
Hindi sila nagkibuan ni Hazel. Nanatili lamang itong tahimik at s’ya nama’y parang batang umiiyak.
Pagkalipas ng ilang minuto’y dumating ang kanyang mommy, pagkatapos nitong pasalamatan si hazel ay agad s’ya nitong iniuwi sa kanilang tahanan.
Hindi sila magkaibigan ni hHazel. Hindi nga s’ya nito kilala. Para silang bituin at damo sa loob ng unibersidad. Si Hazel ay bituin, s’ya ay ang damo. Sikat ito sa buong unibersidad, dahil bukod sa maganda ito’y isa din ito sa pinakamatalino at mayamang estudyante sa kanilang eskwelahan, samantalang s’ya ay ang sentro na katatawanan at pangungutya.
Hindi sila kailanman nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit, ngunit kanina’y nagkalapit sila.
Mahigpit n’yang niyakap ang kanyang unan at papikit na sana s’ya nang kumatok ang kanyang mommy.
“May bisita ka Julia.” nakangiti ang mommy n’ya. Natutuwa ito tuwing may iba s’yang nakakausap o nagiging kaibigan. Mga pagkakataong bihirang mangyari.
Inabutan n’ya si hazel na nasa sala. Lumuwang ang pagkakangiti nito nang makita s’ya.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Nakikipagkaibigan.”
“Pa’no mo nalaman ang bahay ko?”
“Sinundan ko k’yo ng mommy mo n’ung inuwi ka n’ya kanina.”
Hindi s’ya kumibo.
Inabot nito ang isang puting rosas sa kanya. “Ako nga pala si Hazel.”
Hindi na n’ya napigilan ang kanyang sarili. Nakangiti n’yang kinuha ang puting rosas at inilapit ito sa kanyang ilong at marahang nagsalita.
“Ako naman siJulia…”
Inaantok na ang kanyang mga mata. Nakangiti n’yang tinignan ang kanyang repleksyon sa salamin.
“Ikaw ang pinakamagandang babae sa buhay ko julia…”
Lumapit s’ya sa salamin at isinulat dito ang pangalan ni hazel gamit ang sarili n’yang dugo.
Ang dugong kay tagal n’yang kinatakutan.
Ang kulay nitong nagpapasikip sa kanyang paghinga.
Ang amoy nitong nagpapabaliktad sa kanyang sikmura.
Ang kanyang dugo na ngayon ay kapiling n’ya.
Ang kanyang dugo na nagpapahiwatig na buhay pa s’ya.
Buhay s’ya. Buhay na buhay. Isang masaklap na katotohanang hindi n’ya alam kung pa’no haharapin.
Napaluha s’ya.
Dumausdos ang daliri ni Hazel sa matangos n’yang ilong, sa kanyang labi, sa kanyang leeg hanggang sa cleavage ng kanyang suso.
Magkahinang ang kanilang mga mata. Napapikit s’ya ng mariin nang madama n’ya ang paggapang ng palad nito sa kanyang puson.
“Gusto mo ba n’yan Julia?”
Marahan s’yang tumango. Niyakap s’ya nito at naglapat ang kanilang mga labi. Nakahimlay ang kanyang palad sa dibdib nito, pinapakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso nito na nagpapakilig sa kanya. Sinapo ng isa nitong kamay ang kanyang batok at ang mga halik nito’y dumiin ngunit nanatiling malambot. Pumatong ito sa kanya at matagal s’yang pinagmasdan sa mukha.
“Julia, mahal kita.”
“Kapag nararamdaman mo ‘yung takot, i-divert mo ang isip mo sa ibang bagay. H’wag laging negative thoughts ang isipin mo.”
Nakatitig s’ya kay Hazel habang nagsasalita ito sa pagitan nang paghithit buga nito sa sigarilyo.
“Ako, n’ung bata ako, lagi akong kinukulong ng Step Mom ko sa cabinet, Kaya takot ako sa mga madidilim at masikip na lugar, pero ngayon, medyo na o-over come ko na ‘yung fear na ‘yun. Dapat ikaw, harapin mo ‘yung takot mo, h’wag mong takasan dahil habang buhay ka n’yang hahabulin para sindakin.”
Tumango s’ya. Sumulyap ito sa kanya at tumawa ng malakas.
“Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?”
“Ikaw lang kasi ang kaibigan ko. Buti, dumating ka… Nagpapasalamat ako sa diyos at dumating ka.”
Ngumiti ito sa kanya at hinagkan s’ya sa noo.
“Gusto kong ipakilala ka sa pamilya ko, sa ate ko, sa parents ko. Gusto kitang iuwi sa amin. Gusto kitang alagaan at protektahan. Gusto kong makita ang mukha mo sa unan ko tuwing gigising ako. Gusto kita… Gustong gusto ko ang nararamdaman ko s’yo.”
At bigla s’ya nitong hinalikan. Hindi s’ya nakakilos. saglit na naglapat ang kanilang mga labi. Iyon ang unang halik na namagitan sa kanila. Bagamat nagulat sya’y nakadama naman s’ya nang labis na ligaya.
Itinutok ni Hazel ang tingin sa palubog na araw.
Pinanood n’ya ang dapithapon sa mga mata nito, ang pag-ihip ng hangin sa labi nito. Napakaganda ni Hazel n’ung mga sandaling iyon at hindi n’ya magawang tapusin ang mahabang pagkakapako ng kanyang mga mata sa mukha nito.
Pinitik nito ang sigarilyo at tsaka s’ya inakbayan. Masuyo naman n’yang inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito at lihim s’yang napangiti nang dumampi ang labi nito sa kanyang buhok.
Nagtatawanan silang naglalakad ng mabilis papasok sa dormitoryo. Magkahawak ang kanilang mga kamay at nag-uunahan sa pag-akyat sa hagdan ang kanilang mga paa, hanggang sa marating nila ang silid ni Hazel at pagkasara nila ng pinto’y isinandal s’ya nito sa pader at itinaas sa kanyang ulunan ang dalawa n’yang kamay at agad na siniil s’ya ng halik. Matagal na nagsanib ang kanilang mga bibig at sabay silang tumawa ng malakas nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
Hinila s’ya ni Hazel palapit at hinubad ang puti n’yang uniform at puno ng pananabik na sinibasib nito ng halik ang kanyang leeg at dibdib.
Lumuhod ito sa harapan n’ya at hinaplos ang kanyang binti sa ilalim ng kanyang palda. Hinubaran s’ya nito hanggang sa kahuli-hulihan n’yang saplot at bago nito ituloy ang ginagawa’y tumingala ito sa kanya at namumungay ang matang ngumiti.
“Gusto mo ba nito Julia?”
“Oo.” At hiniling n’ya na sana’y hindi nito napansin ang panginginig ng kanyang tinig.
At naramdaman n’ya ang paglapat ng dila nito sa biyak ng kanyang ari.
Papunta sana s’ya sa dormitoryo ni Hazel isang hapon nang mapadaan s’ya sa kulupon ng mga nag ra-rally na mga estudyante. Kinuha n’ya ang plakard na nakakalat sa kalsada nang magsigawan ang mga tao. Nakarinig s’ya ng putok ng baril at nagkagulo. Paalis na sana s’ya nang magkatulakan at isa s’ya sa mga nabuwal at napaupo sa kalsada. Hindi s’ya agad nakatayo dahil sa ilang natumbang katawan ng mga raliyista ang pumatong sa kanya. Nang hampas ng batuta ang mga pulis. Nagkaputukan ng ulo at nguso at ilong. Nagtilamsikan ang mga dugo sa kanya at nagsimulang bumalong ang takot sa kanyang dibdib.
Dugo! Dugo!
Sa wakas ay nakatayo din s’ya at isang bato ang tumama sa kanyang kanang kilay, agad s’yang inagusan ng dugo. Hinawakan ito ng kanyang kamay at malakas s’yang sumigaw.
Tumakbo s’ya. Mabilis na mabilis. Tumakbo s’ya nang tumakbo hanggang sa marating n’ya ang dormitoryo at hinang hinang kumatok s’ya sa pintuan ng kwarto ni Hazel. Pagkabukas nito’y agad s’yang yumakap dito.
“My God Julia,what happen?”
“Dumudugo ako… May dugo ako!”
At ipinakita n’ya kay Hazel ang duguan n’yang kamay.
Dinala s’ya nito sa cr at nilinisan s’ya. Ginamot din nito ang sugat n’ya. Hinubaran s’ya nito at sinuotan ng bagong damit. Lumuluha s’yang napaupo sa isang sulok ng kwarto, niyakap n’ya ang kanyang mga tuhod at natulala.
Nag-aalala naman s’yang nilapitan ni Hazel at hinawakan sa magkabilaan n’yang braso.
Hinawi ng mga daliri nito ang buhok n’yang tumatabing sa kanyang mukha.
“Julia,talk to me please?”
Hindi s’ya kumibo, bagkus tumulo lamang ang luha sa kanyang mata at tuluyan na s’yang napahagulgol.
Niyakap s’ya ni Hazel, at hindi na nito kailangan pang magsalita. Dama n’ya ang mga nais sabihin ng labi nito.
Kasama n’ya ito at hindi s’ya nito pababayaan kahit kailan.
Hinanap s’ya ni Hazel at natagpuan s’ya nito sa loob ng cr.
Narinig s’ya nito na umiiyak.
“Julia?”
“Hazel…”
“Buksan mo ang pinto, kanina pa kita hinahanap… Anong ginagawa mo diyan sa loob?”
“Ayoko nito, ayoko ng dugo, ayokoooo!”
Lihim na napahagikgik ang mga estudyante na nasa loob ng cr. Napapailing na naglabasan ang mga ito.
“Julia,buksan mo ang pinto, papasok ako.”
“H’wag, lumayo ka! Lumayo ka!”
“Buksan mo na ang pinto… Please…” pakiusap nito, at pagkalipas ng ilang minutong pilitan, binuksan ni Julia ang pinto.
Punong puno na ng tagos ang palda n’ya, pati ang binti n’yay tinuluan na ng dugo, sumusuka s’ya sa inidoro, suka s’ya ng suka.
Kumuha si Hazel ng tissue at pinunasan ang kanyang binti. Lumapat ang palad nito sa kanyang likod at mabini itong hinagod, tumigil s’ya sa pagsuka at humahagulgol na yumakap kay hazel.
Nanginginig ang kanyang katawan. Takot na takot s’ya.
“Dinudugo ako, may sugat ako, ayoko ng dugo, ayoko ng sugat, tulungan mo ‘ko… Ayoko nito!”
Nagyakap sila ng mahigpit. Hinubad ni Hazel ang suot na sweat shirt at itinabing sa palda niya, itinali nito ang sleeve sa baywang n’ya at tsaka s’ya pinasan sa likuran nito palabas ng C.R., palabas ng unibersidad, papasok sa kotse nito at dinala s’ya nito sa silid nito sa dormitoryo.
“H’wag kang matakot, nandito lang ako.”
Hinagkan n’ya ang pangalan ni hazel na nakasulat sa salamin gamit ang sarili n’yang dugo at nalasahan n’ya ito sa kanyang bibig.
Hazel… Hazel… Hazel…
Muli n’yang isinulat ang pangalan nito gamit ang dugong umaagos sa kanyang mga hiwa sa braso,sa sahig, sa puting kobre kama, sa kanyang binti, sa dingding, sa punda ng unan, sa lampshade, sa venetian blinds…
Pinuno n’ya ang kanyang mundo ng pangalan ni Hazel.
Oh!
Iyak n’ya.
Hazel!!!
Sigaw n’ya.
Nakatutok s’ya sa shower. Pilit n’yang iniiwasang tignan ang dugong lumalabas sa kanya at humahalo sa tubig. Dinama n’ya ang lamig sa kanyang katawan na nagpapaginhawa sa kanya.
Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng C.R. si Hazel. Hinawi nito ang shower curtain.
Nagulat s’ya at agad n’yang tinakpan ang kanyang kaselanan.
“H’wag mong takpan, gusto kong makita.” sambit ni Hazel. Swabe ang boses nito. Mapang-akit.
Hindi s’ya nakakilos. Sumasal ang tibok ng kanyang puso lalo na nang maghubad si Hazel at para itong diyosa na nagkatawang tao at bumaba sa lupa para sa kanya. Lumapit ito at tinanggal ang braso n’yang nakatabing sa kanyang suso. Pumuwesto ito sa likuran n’ya at niyakap ang kanyang baywang. Hinawi nito ang kanyang buhok at isinampay sa kanyang balikat. Hinagkan nito ang kanyang batok. Napapikit s’ya sa sensasyong nararamdaman n’ya.
Gumala ang isang kamay ni Hazel papunta sa ari n’ya habang ang isang kamay nito’y pinipisil pisil at nilalamas ang kanyang suso.
“Bumuka ka.” bulong nito sa kanya.
“H’wag, may regla ako… Dinudugo ako diyan, masakit, baka masaktan ako…”
“Hindi, hindi kita sasaktan Julia.”
At dinilaan nito ang leeg n’ya. Sumunod s’ya. Bumuka s’ya. Iniangat ni Hazel ang kanang binti n’ya.
“ipatong mo ‘yung isang paa mo sa toilet bowl.” muli s’yang sumunod.
Kakaiba ang nararamdaman n’ya. Magkahalong kaba, saya, takot at pananabik.
Nagsimulang manginig ang tuhod n’ya nang tumbukin ng daliri ni Hazel ang clitoris n’ya. Nagsimulang magsayaw ang kanilang mga katawan. Napahawak s’ya sa tubo ng shower, patuloy naman sa paglikot ang daliri ni Hazel sa kanyang ari habang dinidilaan nito ang punong taynga n’ya, ang kanyang batok at leeg at balikat hanggang sa magtagpo ang kanilang mga labi. Inabot ng isa n’yang kamay ang mukha nito at hinaplos ang namumula nitong pisngi.
At hindi n’ya na namalayan na ipinasok na ni Hazel ang isang daliri nito sa butas n’ya at lalong rumagasa ang dugo sa kanyang sa pagitan ng kanyang mga binti...
Nanghihina s’yang tumayo at binuksan n’ya ang salaming bintana. Pumasok ang hangin, pinalitan ang lamig ng airconditioner sa kwarto. Sinamyo n’ya ang hangin,
Lumapit s’ya sa side table at kinuha ang pabango ni Hazel na naiwan nito sa kwarto n’ya noong nakaraang linggo. Inispray n’ya ito sa hangin at kumapit ito sa kanyang balat. Napapikit s’ya at inisip na yakap yakap s’ya ng mga bisig ni Hazel.
Hazel…
Palapit s’ya sa maluwang na bulwagang pinupuno ng mapusyaw na liwanag galing sa mga naglalakihan at mamahaling bombilya. Naroroon si Hazel sa gitna ng bulwagan. Nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
Palapit s’ya nang palapit.
Malapit na malapit na s’ya.
“Mahal ko…”
Bulong n’ya sa hangin.
“H’wag ka mag-alala, magkikita na t’yong muli… Hintayin mo ako. Parating na ako.” mahina n’yang sambit.
Umalis si Hazel mula sa pagkakapatong sa kanya, saglit nitong tinitigan ang kahubaran n’ya at tsaka nito Ikinabit ang strap on at tsaka s’ya nito muling pinatungan. Hinalikan s’ya nito sa labi na may diin.
Hinaplos nito ang kanyang mukha at nag-aalinlangang tumitig sa kanya.
“Ready ka na ba talaga Julia?”
“I’m not really sure about this… This is my first time. You’re my first… I’m scared.”
Yumakap s’ya dito nang mahigpit.
“Baka masaktan ako, baka duguin ako… Baka ‘di ko makaya…”
“I will never do anything to hurt you. I promise.”
Marahan s’yang tumango.
Muling naglapat ang kanilang mga labi. Bumaba ang kamay ni Hazel sa pagitan ng kanyang mga binti. Pinakikiramdaman s’ya nito, alam n’ya. Bumuka s’ya, senyales nang pagsuko, nang pagtanggap, nang pag-ibig.
Kumilos ito sa ibabaw n’ya. Bumaba ang labi nito sa kanyang dibdib. Sumuso na parang sanggol.
Mahina s’yang napaungol.
Naramdaman n’ya ang pagtutok ng bagay na iyon sa bukana n’ya.
“I’ll be gentle,you need not to be scared. Hindi kita sasaktan…” paulit-ulit nitong bulong sa kanya.
“Hinding hindi kita sasaktan.”
Dahan dahan s’ya nitong pinasok. Nakagat n’ya ang kanyang labi sa kirot na gumagapang sa kanyang katawan.
Dahan dahan at tuluyan s’ya nitong pinasok at naramdaman n’ya na para s’yang sako na pinuno ng laman. Para s’yang puputok, para s’yang sasabog.
Napakapit s’ya sa mga braso ni Hazel hanggang sa bumaon ang kuko n’ya sa balat nito.
“Masakit—”
Hindi s’ya nito tinugunan, sa halip iginalaw nito ang balakang, idiniin pa nitong lalo ang bagay na iyon sa kanya.
Napatda s’ya. Gusto n’yang humiyaw sa sakit na nadarama.
Sinipsip nito ang utong n’ya, ang balat sa kanyang dibdib.
Lalong humigpit ang pagkakahawak n’ya dito.
“Nararamdaman mo? Damhin mo ‘yung sakit, hindi ‘yan magtatagal… Hindi kita sasaktan.”
Hinaplos haplos nito ang buhok n’ya. Pilit s’yang pinapakalma, pilit na pinapadama sa kanya ang pag-ibig na ipinapangako nito sa kanya.
“Ipaparanas ko s’yo ang kirot na magpapaligaya s’yo… Ako lang ang p’wedeng magparanas s’yo n’yan Julia. Ako lang…” puno ng pagsuyong bulong nito sa kanya.
Mahigpit silang nagyakap at pinupog nito ng halik ang kanyang mukha, ang kanyang leeg, ang kanyang dibdib.
Bumilis ang pagkilos nito sa kanyang ibabaw.
Pumatak ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Tumigil sa pagkilos si Hazel. Tinitigan s’ya nito na may pag-aalala.
“Tanggalin ko na gusto mo?”
Umiling s’ya. Ikinulong n’ya ang mukha nito sa dalawa n’yang palad at hinagkan ito sa labi.
“H’wag, ituloy mo lang…”
Hinagkan nito ang luha sa kanyang mata. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang baywang at isang ulos ang ibinigay nito sa kanya.
“aahhh…”
At nagsayaw ang kanilang mga katawan habang nilulunod nila ang isa’t-isa sa halik na parang hindi na matatapos. Hinawakan ng dalawa nitong kamay ang kanyang balakang at iniangat ito, kanya naming tinanggap at sinalubong ang bawat ulos na ginagawa nito. Malakas s’yang napaungol.
At ang kirot na nararamdaman n’ya ay unti-unti nang napalitan ng sarap.
Ang mapait ay naging matamis.
Ang sakit ay naging ligaya.
Ang takot ay naging luwalhati.
Ang mali ay naging tama.
At tsaka n’ya naisip na maaari pala ‘yun, ang makaramdam s’ya ng matinding kirot at pagkatapos, mapapalitan iyon ng matinding sarap na magpapaginhawa sa bigat ng kanyang dibdib na kay tagal n’ya nang dinadala.
Naglabas masok ito sa kanya, at sa bawat indayog ng kanilang mga katawa’y labis labis na ligaya ang hatid sa kanya, hanggang sa tuluyang bumulwak ang init at s’ya ay natigalgal, hindi dahil sa kirot o sakit, kundi sa kakaibang pakiramdam na para s’yang nasa gitna ng madilim na kweba at sa kadilimang iyon ay may naaninag s’yang kapiranggot na ilaw. Lumapit s’ya sa ilaw na iyon hanggang ito ay lumaki at kinain s’ya ng buong buo.
At s’ya ay pinuno ng liwanag, at pumasok ito sa kanya hanggang sila’y naging isa.
At ang kirot na nadama n’ya ay isang palatandaang minamahal at nagmamahal s’ya.
Mahigpit n’yang kipkip sa kanyang dibdib ang unang may bakas pa ng amoy ni Hazel at ang dugo sa kanyang braso’y kumalat sa punda nito. Nakatitig s’ya sa kawalan, inaaninaw ang lumalabo n’yang kinabukasan, para s’yang kandilang unti-unting nauupos at alam n’ya na hindi magtatagal ay tuluyang mawawala ang kanyang sindi.
Ilang saglit na lamang. Hindi na sya makapaghintay.
Malayo na s’ya sa Julia na kinalakihan nya. Tuluyan nya nang napatay ang demonyo sa ilalim ng kanyang kama. Matapang na s’ya, hindi na s’ya iyakin, kayang kaya n’ya nang kontrolin ang kanyang mga kinatatakutan. Hindi na sya nito nasisindak.
Tumingin sya sa kanyang wrist watch, ala-singko ang usapan nila ni Hazel, kalahating oras n lamang at magkikita sila upang ipagdiwang ang ika-siyam na taong anibersaryo ng kanilang relasyon.
Ilang oras na lamang ang ipaghihintay nya upang masilayan ang maganda nitong mukha na kaniig n’ya sa bawat gabi ng kanyang buhay.
“Hazel…mahal kita.”
Bumangon sya sa pagkakahiga. Nakita nya sa bedsheet ang mga patak ng dugo. Hinaplos ito ng kanyang kamay at tahimik na lumuha. Naramdaman n’ya ang pag-yakap ni hazel mula sa kanyang likuran, hinagkan nito ang likod ng kanyang tenga at bumulong.
“Nagsisisi ka ba?”
Umiling sya. Pa’no ba nya magagawang pagsisihan ang isang bagay na para sa kanya ay ang pinakamagandang pangyayaring naganap sa kanya?
Hindi. Hindi nya ito kailanman pagsisisihan.
Bahagya itong lumayo sa kanya. Binuksan ang drawer ng side table at kinuha doon ang isang puting rosas.
Muli nitong niyakap ang kanyang baywang at masuyong ipinatong ang baba nito sa kanyang balikat. Binigay nito sa kanya ang puting rosas.
“For you…”
“Bakit laging white rose?”
“Dahil isa lang ang ibig sabihin n’yan.”
“Ano?”
“Eternal love.”
Pulang pula ang kulay ng kanyang dugo. Mainit sa mata, parang gusto nyang maluha.
Ilang araw pa lang ang lumilipas mula nang ipagdiwang nila ni hazel ang kanilang anibersaryo.
Buong magdamag syang nanatiling gising. Pinagmamasdan ito habang natutulog sa kanyang kama, at bumalik sa kanya ang mga alaala noong wala pa ito sa kanyang buhay. Napakalungkot n’ya noon. Mahina at duwag, subalit hindi na ngayon. Iba na s’ya. Iniba s’ya ng pag-ibig nito.
Nang maalimpungatan ito’y malambing nitong hinawakan ang kanyang kamay.
“Bakit di ka pa natutulog?”
Hinaplos n’ya ito sa pisngi at puno nang pagsambang tinitigan ang kabuuan nito.
“Gusto ko kasing pagmasdan ka habang natutulog.”
Hinagkan nito ang kamay n’ya. Nakadama s’ya ng kilig nang dumampi ang mainit nitong labi sa kanyang balat.
“Sabihin mong mahal mo ako.” hiling nito sa kanya.
“Mahal kita.”
At naglapat ang kanilang mga labi.
Para s’yang binagyo at nilindol nang dumating sa kanya ang balita. Pinuntahan s’ya ng kanya Mommy at ito ang nagsabi sa kanya ng mga naganap.
Para s’yang biglang nakalas. Parang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Para s’yang bumalik sa dati n’yang buhay. Duwag. Mahina. Punong puno ng takot.
Lumuluha s’yang naupo sa isang sulok ng kanyang opisina at doon n’ya lang napansin na iyon ang unang araw ng kanyang dalaw.
At ito’y tumagos, hindi lamang sa kanyang pantalon, kundi sa kaibuturan n’yang batid n’yang mahihirapan nang muli pang makaahon.
Naroon si Hazel, pinalilibutan ito ng mga ilaw. Lumapit s’ya… Ang lapit lapit n’ya na, ngunit bakit hindi n’ya ito maramdaman? Bakit hindi na s’ya makadama pa?
Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mata. Makikita n’ya na ito. Magkikita na silang muli, ngunit bakit hindi n’ya ito maharap? Bakit?
“Bumunggo ang bus sa kotse n’ya… Ang sabi, nawalan daw ng preno ang bus. Patay na s’ya nang madala sa hospital. Julia, i’m sorry…” hindi na n’ya narinig pa ang mga ibang sinabi ng kapatid ni Hazel. Wala na din s’yang pakialam.
Nakasarado ang kabaong na kinasisidlan nito. Ngunit hindi maaaring naroon si hazel, hindi nito nais na makulong sa mga masikip at madilim na lugar dahil noong bata pa ito’y ikinukulong ito ng step mom nito sa kabinet.
“Ayaw n’ya sa dilim.” halos paanas n’yang sambit.
“Ilabas nyo s’ya diyan. Ayaw n’yang nakukulong s’ya. Ilabas n’yo si Hazel, baka umiiyak na s’ya sa loob. Baka natatakot na s’ya…” palakas nang palakas ang kanyang tinig. Lumapit sya sa nakasarang kabaong at hinaplos ito ng nanginginig n’yang kamay.
“Ilabas nyo s’ya, ayaw n’ya sa loob… Ilabas n’yo s’ya, parang awa n’yo na…” at tuluyan na s’yang napahagulgol.
Awang awang nakamasid lamang sa kanya ang mga tao sa paligid. Lumapit sa kanya ang kapatid ni Hazel at dinamayan s’ya, ngunit lugong lugo s’yang napaluhod sa harap ng kabaong nito, at doon n’ya lamang napansin ang puting rosas na nahulog sa sahig. Inabot ito ng kanyang kamay at lumuluhang kinipkip ito sa kanyang dibdib.
Muli n’yang kinuha ang duguang cutter sa sahig at pikit matang hiniwa ng ubod diin ang kanyang pulso. Pumulandit ang dugo. Mabilis itong umagos at pumatak sa kama.
Ibang iba na nga s’ya. Hindi na s’ya takot sa dugo, hindi na s’ya nasisindak sa sugat, hindi na s’ya naduduwag na masaktan.
Manhid na s’ya para muli pang makaramdam, pilitin man n’ya’y hindi n’ya na magawa. Sugatan man n’ya nang paulit-ulit ang kanyang sarili’y nagmistula na s’yang isang malaking bloke ng yelo.
Wala s’yang ibang nadarama kundi pawang lamig. Kahungkagan. Pag-iisa.
Unti unti n’yang pinikit ang kanyang mata. Wala na s’yang ibang alam na paraan kung pa’no tatapusin ang kanilang kwento. Iyon lamang. Tanging iyon lamang.
Dahil hindi n’ya alam kung pa’no haharapin ang matinding takot na kanyang nadarama sa dumudugo n’yang puso at kumikirot na sugat ng kanyang kaluluwa.
Magtatapos na ang lahat. Malapit na. Malapit na malapit na.
little house-amanda seyfried
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




