Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..
ang seldang gawa ng iyong kariktan,
na akin ngayong kinasasadlakan,
ay hindi kayang buwagin ng unos,
at tunawin ng perpektong kirot
Reyna
November 20, 2009
I’ll Stand By You
Dumaan ang parada ng mga bulaklak sa aking puso nang gabing yaon, may mga bulaklak na walang bango at may mga bulaklak namang lanta, nais ko sanang tumigil pansumandali ang parada sa harap ng tarangkahan ng aking kamalayan, ngunit tumanggi ka.
Batang bata pa lamang ako noon, walang alam gawin kundi ang humithit ng chongke sa eskinita at makipaglaplapan kay brando sa likuran ng kubeta ni aling tasing na ginagawang binguhan tuwing biyernes, labahan ng maduduming pagkatao tuwing sabado at pasugalan ng mga puking walang kinikilalang diyos pagdating sa nangangalunyang sikmura.
Oo minahal kita. Tanga ka kung hindi mo iyon naramdaman, kahit na paulit-ulit na idinuduldol ni inay sa mukha ko na mas maganda pa ako sa iyo. Minahal pa din kita kasama ang kaletse letsehan ng buhay mo.
Sa butas ng maliit mong barong barong kita unang sinuyo at niligawan, habang nakahiga sa tablang sahig at pawisang sinasalsal ang manhid mong kaligayahan.
Nabighani ako sa pagkilos ng iyong mga daliri, sa paghagod nito, sa pagbutingting…
Dahil para mo na ring pinakilos ang antukin kong puso, para mo na ring hinagod ang iyakin kong kaselanan, para mo na ring binutingting ang makina ng aking katauhan.
Ginawa kitang reyna, inadornohan ng sanglaksang paro parong kumikiliti sa iyong tinggil tuwing iwinawasiwas nila ang kanilang pakpak sa iyong pugad. Iyon ang gusto ko sa iyo, alam mo ba? Iyong hindi pa tayo nagkakalapit, napapatigas mo na ang utong ko, hindi mo pa ako nahahawakan, namamasa na ako,
Ikaw ang aking reyna at hinagkan ko ang iyong paa. Pinatay ko ang mga dagang sumisindak sa iyo, nilinis ko ang naglalangib na galis sa iyong pagkatao,pinisak ko ang pigsa sa puwitan ng iyong pagkababae.
Sinunod ko ang lahat ng iyong gusto.
Kinalimutan ko ang aking kahihiyan, ikaw ay aking sinamba mula sa mala corn flakes mong balakubak sa iyong kukote hanggang sa nangangapal na libag sa sakong ng iyong katinuan.
Dahil nga mahal kita…
At ngayong gabi, kailangang huwag kong makalimutan na hindi tayo maaaring maghalikan pagkatapos kong dilaan ang lumalapad mong tinggil at lunukin ang katas ng iyong basang basang kuwan.
Ikaw ba ay maliligayahan o tatangis na lamang? At sa bawat presensiya ng isang minutong pagkakantutan ng ating mga hinaing at pagdurusa, hihintayin ko ang oras na ikaw na mismo ang magnanais na malasahan ang sarili mong katas sa aking labi.
At muli kitang ililibing at ihihimlay sa iyong kabaong dahil tumatanggi ka pa ding gumising…




