Ang BABAENG hinugot ko sa aking pakpak..
ang seldang gawa ng iyong kariktan,
na akin ngayong kinasasadlakan,
ay hindi kayang buwagin ng unos,
at tunawin ng perpektong kirot
Fairytale
November 14, 2009
Tori Amos - A Sorta Fairytale(1) (Tori Amos) Plumb - A Fairy Tale (Plumb) Kahapon lamang, habang naglalakad ako sa baywalk ay para bang may isang pamilyar na babae ang nakita kong nakatayo sa gilid ng lampost at nakatitig sa papalubog na araw. Tahimik. Nag-iisa. Binilisan ko ang aking paglalakad, ngunit sa sandaling ikinurap ko ang aking mga mata’y wala na doon ang babae. Nagmasid ako sa buong paligid, sa pag-aakalang mahahabol pa siya ng aking paningin, ngunit wala na…wala na.
Ang mundo ay patuloy sa pamumula. Ang kulay ng dapit-hapon ay nagpapaalala lamang sa akin ng kaaya-ayang mukha ng isang babaeng matagal nang lumisan sa aking buhay.
Ang pangalan niya ay Mia.
Sandali lamang ang naging pagsasama naming dalawa. Matagal na rin kaming hiwalay, malayo sa isa’t-isa ngunit nanatiling magkalapit ang aming mga panaginip. Siya na ang nagsabi noon sa akin na soulmate kami, kahit hindi na kami nagkikita o magkasama, mayroon paring magkokonekta sa aming dalawa, gaano man kami kalayo sa isa’t-isa.
Inibig ko si Mia.
Ang pag-ibig ko para sa kanya ay ang klase ng pag-ibig na hindi ko na madarama pang muli sa iba. Hindi ko siya ikinumpara sa mga bituin, dahil lahat ng bituin ay patay, aandap-andap, wari ba’y nagmamakaawa sa saglit na lingong ibibigay sa kanya ng liwanag. Hindi ko din siya ikinumpara sa araw na mayabang sa pagsabog ng nakasisilaw at nakakabulag nitong sikat ngunit luluha sa unti-unti nitong pagdilim tuwing sasapit ang takipsilim. Hindi ko din siya ikinumpara sa bukid, na ang palay ay nilulunod ng bagyo o sa mga bulaklak na walang laban sa malupit na pagpitas ng kamay ng isang estrangherong napadaan.
Inibig ko siya, sa panahon kung saan, ako mismo sa sarili ko ay hindi naniniwala sa pag-ibig. Nabighani ako sa kakaibang damdaming iyon, ngunit natakot ako. Natakot ako ngunit patuloy ko siyang inibig.
Si Mia at ang mga imbento niyang teorya ng mga pilosopiya sa buhay.
Si Mia at ang mga sikretong ibinubulong niya sa mga tala at bituin.
Si Mia at ang inaangkin niyang dapit-hapon.
Second year college ako nang makilala ko siya, minsang napasama ako sa isang off season climb ng mga kaibigan kong nasa Teatro Malaya na sina Liz Samaniego, Tala Encarnacion at Sidney Ricaforte. Mayroon kaming kasama na dalawang taga U.P. Diliman, si Freda Bonifacio at Mia Salome.
Hindi ko lubusang maipaliwanag kung iyon ba ay bugso ng pag-ibig sa unang pagkikita o isang simpleng paghangang inayunan ng bawat elementong bumubuo sa aming kalikasan.
Dahil ang kanyang mga matang bumibigkas ng isang laksang talulot ng tula at ang mga ngiting umaawit ng musikang umaayon sa uyaying nagpapahimlay sa kaluluwa ng mundo, ang siyang nagmulat sa akin sa isang kakaibang kagandahan.
At doon sa bundok ng Majayjay ay magkakasama kaming nakipagromansahan sa kalikasan. Pinanood ang mga ibon na walang kapagurang lumilipad sa kalangitan, sinukat ang lalim ng mga bangin, inunawa ang tahimik na pag-alon ng mga ulap at tinuklas ang hiwaga ng takipsilim.
At sa ilalim ng bilog na buwan, masaya naming pinagkwentuhan ang ginagawang pagtatalik ng mga insekto’t bulate at pinagtalunan ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay at kamatayan.
Bago tuluyang lumalim ang gabi, nagsimulang maghalikan si Mia at Sidney. Sabay nilang hinubad ang damit ng isa’t isa at nahiga sa damuhan. Hindi nagtagal ay sumali sa eksenang iyon si Liz at Freda at Tala, at ang kanilang mga katawa’y nagmistulang mga ligaw na kometa sa madilim na kalawakan na nang magdikit ay parang bulkang sabay-sabay na nagsabugan.
Naunahan kong magising ang araw nang umagang iyon. Paglabas ko ng tent ay agad kong nakita si Mia na nakaupo sa basang damuhan at tahimik na naninigarilyo. Nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin.
“I know, seeing me doing a Merry go ‘round last night, really turned you off. Didn’t it?”
“I don’t care.”
Ngumiti siya sa sinabi ko. Naupo ako sa tabi niya. Inalok niya ako ng sigarilyo ngunit tumanggi ako.
“Sabi ni Sidney, writer ka daw. Ang mga writer ba Abby, dapat ba virgin ka o hindi? “
Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon.
“Don’t tell me Abby, isa ka sa mga biktima ng childhood brainwash na don’t talk to strangers?”
Natawa ako sa sinabi niya.
“Abby, minsan kapag wala ka nang maisulat, isulat mo ang kwento ng buhay ko.”
“Bakit, ano ba ang kwento ng buhay mo?”
“Hindi ko alam. Pero siguro naman, magagawan mo iyon ng istorya ‘di ba? Kahit simple lang. Kahit iyong ibang part, imbento na lang.”
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na nagtawanan, bago kami sabay na natahimik.
“Naniniwala ka ba sa multo Abby?”
“Hindi pa ako nakakakita, kaya ayokong maniwala.”
“Pa’no kung sabihin ko sa iyong isa na pala akong multo, maniniwala ka ba?”
Tumingin ako sa kanya at marahang tumango. Nakita ko sa mga mata niya ang kasiyahan dulot nang isinagot ko.
“Talaga, maniniwala ka?”
“Oo. Pero sana, friendly ghost ka ‘di ba…or romantic ghost with Demi Moore and unchained Melody…”
Muli kaming nagkatinginan at sabay na nagtawanan.
“Alam mo ba, isa akong aborted fetus?”
Hinihintay niyang matawa ako, ngunit hindi ako tumawa. Dahil alam kong hindi siya nagbibiro sa mga sinasabi niya.
“Inabort ako ni Mommy, emotionally and mentally. ‘di ba, kapag inabort mo iyong baby, pinatay mo na siya agad, hindi mo siya binigyan ng pagkakataong ma-enjoy ang buhay, hindi mo siya hinayaang lumaki at ganap na maging tao. Ganoon ang ginawa sa akin ni Mommy.
“Tiyanak ka pala.”
Natawa siya sa sinabi ko.
“Kidding aside, pakiramdam ko, my Mom hates me. Feeling niya nakikipagcompete ako sa kanya. Sa ganda, sa talino, sa poise. Hindi niya alam, iba ang gusto ko sa gusto niya.”
“Ano ba ang gusto mo?”
“Ang pumunta sa buwan. Pero, takot ako sa buwan kasi tingin ko sa kanya ay Empty skull.”
“Empty skull?”
“Just like the thought that the world is flat.”
“Well, I know for the fact na hindi flat ang mundo.”
“But emotionally speaking, it is.”
Bigla kaming natigilan nang bumuhos ang ulan. Agad kaming sumilong sa loob ng tent ni Mia na mas malapit sa amin. Magkatabi kaming naupo sa bungad at tinanaw ang ulan.
“Isn’t it a mystery, tirik ang araw pero umuulan?”
“Kapag ganoon daw, may ikinakasal na maligno.”
Natawa siya sa sinabi ko. Puno nang amusement na tinignan niya ako sa mukha.
“Naniniwala ka doon?”
“I know, it is just one of those—what you so called, childhood brainwash, pero walang masama kung maniniwala ka. Noong bata nga ako, kapag gusto kong maglaro sa labas tapos biglang umulan, ang ginagawa ko, nag d-drawing ako ng isang ulan at limang araw para kunwari, matatalo ng araw iyong ulan, tapos kakanta ako ng Rain, Rain go away, little Abby wants to play.”
Nagkatinginan kami at sabay na nagtawanan.
“Ako, noong bata ako, ang naaalala ko, takot ako sa ulan. Lalo na sa kulog at kidlat. Kaya madalas noon, binabangungot ako. Wala pa akong katabing matulog. Si Mommy, wala sa bahay. Si Daddy, nasa work, si yaya, nakikipaglambutsingan d’un sa driver sa kabilang bahay, feeling ko n’un, iyong mga stuff toys ko gumagalaw, tapos hindi na sila cute, nagmumukha na silang monster. Maiiyak ako, malakas, pero walang sasaklolo sa akin, hanggang sa makatulugan ko iyong pag-iyak. Kasabay kong lumaki iyong takot na iyon, hindi ko iyon maipaliwanag, basta ang alam ko, takot ako.
Katahimikan.
“Baka hindi ka na takot Mia, inispoiled mo lang ang sarili mo na matakot. Pwede ka naman kasing mabuhay kahit isang minnuto na hindi ka naaawa sa sarili mo.”
Tumitig siya sa akin. Hindi ko alam ang ibig sabihin nang titig niyang iyon.
“Pa’no mo nasabing naaawa ako sa sarili ko?”
“Woman instinct.”
Hindi siya kumibo. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming pinanood kung paanong inagaw ng ulan sa umaga ang aliwalas ng isang kaaya-ayang liwanag.
Pagkababa namin ng Majayjay ay hindi man lamang nagpaalam sa akin si Mia. Sumulyap lamang siya sa akin at bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo. Pagkatapos noon ay hindi ko na inasahang magkikita kaming muli.
Subalit isang hapon, nakita ko si Mia na nakatayo sa labas ng gate ng Unibersidad at tahimik na naghihintay sa aking paglabas.
Pumunta kami sa baywalk, naupo sa isang bakanteng upuan at hinintay ang paglubog ng araw.
“Nabasa ko iyong istorya mo, binigyan ako ni Tala ng copy ng Folio ninyo kaya nabasa ko. Ang ganda ng story, Sampung mga Daliri, ano kaya ang gagamitin ko?” Sabi niya na sinundan pa nang isang pilyang hagikgik.
Hindi ako natawa sa sinabi niya. Napansin niya agad iyon.
“Alam mo Abby, parte iyon ng buhay ng mga babae. Ang problema, iyong iba, sobra sa kaartehan, nahihiyang aminin na, malilibog din sila.”
Patlang.
“Poet ka din ba Abby?”
“Minsan, kapag nasa mood lang, kaso minsan, parang boring na sa akin ang poetry. Parang biglang nawalan ng dating.”
“Kasi, ‘di ka in love.”
Nagkatinginan kami at sabay na nagtawanan.
“Ang poetry, para din ‘yang stage play, kailangan may moods, may rhythm, ang galaw, ang ilaw, ang dialogues, kailangan, konektado lahat sa isa’t-isa, kailangan, kakikitaan mo iyon ng iba’t-ibang klase ng art. ‘Pag hindi ganun, tinanggalan mo na ng sense ang poetry at ang teatro.”
Patlang. Nagpakiramdaman.
“Straight ka ba Abby?”
Hindi ako agad nakasagot. Nagkibit lang ako ng balikat.
“Mukha kang straight. Kaso pagdating sa sexual preference, what you see is not what you get. Ako, ayokong i-kahon ang sarili ko sa saliltang bisexual or lesbian. Hindi ako straight, pero ayokong maging teknikal. For confirmation sake lang iyon. Kasi ‘di ba, pag sinabi mong bisexual, pwede ka sa girl o sa boy, kapag lesbian, sa girl ka lang talaga. I mean, hindi kahit kailan pwedeng maging sukatan kung saan ka pe-pwede, you can never tell at hindi din pwedeng sabihin ng ibang tao na bisexual ka or lesbian ka or straight ka dahil lang sa mga naging karelasyon mo. Ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na babae ka. Babaeng malaya sa depinisyon ng sekswalidad. Isang babaeng may halaga, may pakiramdam at may pakialam. Dahil kahit kailan, ang pagiging isang babae ay walang limitasyon, walang pangalan pero maraming kahulugan. Hindi mo pwedeng limitahan ang pagkababae mo na, ‘pag straight ka, iyon ka lang, ‘pag bisexual ka, ganito ka lang, ‘pag lesbiyana ganoon ka lang. naiintindihan mo ba ako Abby?”
Patlang.
“Kapag may nagtatanong sa akin kung lesbiyana daw ba ako, ang sinasabi ko, babae ako. Iyon ako. Babae. Pero hindi naman natin kayang patunayan agad na babae nga tayo, ako, I used panty liner and feminine wash, Umiiyak ako, nasasaktan ako, may boobies ako, nireregla ako, I shaved my armpits, may puke ako, pero kaya nga bang patunayan ng mga iyon na babae ka? The problem with our society, napakaconventional ng mga tao. Doon lang nila kayang sukatin ang pagkababae mo. ‘Pag nabuntis ka, babae ka, ‘pag naging nanay ka na, ganap na ang pagkababae mo, pero puta ang lahat ng Nanay na naniniwala doon, kasi ‘di doon nagtatapos iyon.”
Tinitigan ko si Mia. Biglaan ang pagsibol ng damdamin sa aking dibdib. Para bang matagal na panahon ko na siyang kilala. Parang dejavou, parang nangyari na ang pag-uusap naming iyon dati. Parang nagkita at nagkatagpo na kami noong mga unang panahon ng aming buhay.
“Second year college ako when I met this woman. She’s a painter, a good one. Kinuha niya akong model para sa isang nude painting na gagawin niya. We enjoyed each others company. Una pa lang, alam ko na, she’s a lesbian, kahit wala sa hitsura niya, kahit na mas maganda siya sa akin, sabi niya, I’m great daw, I’m wonderful, but the only thing that matters to her is that I’m a great fuck. Everytime na ginagawa niya sa akin iyon, parang lalake ang kasama ko sa kama, para akong virgin, nasasaktan ako, she used me so badly, then she got married. ‘Di ako nasaktan. Tapos, I realized na para akong nasa super dumb show na walang audience. But it’s okay. If you know how to let go, you should know how to move on. I’m strong, iyon ang mahalaga.”
“Hindi ka naman malakas. Nagpapanggap ka lang.”
Nagulat siya sa sinabi ko. Tinitigan niya ako ng diretsyo sa mga mata. Nakita ko sa loob nyon ang labis na kalungkutan, at sa likod ng kalungkutang iyon ay mayroon pang mga maliliit na lungkot. Madami sila. Hindi ko mabilang.
“Hindi ka malakas Mia, dahil ngayon, alam kong may nawawasak diyan sa loob mo, at iyon ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa iyo.”
Katahimikan. Hinalikan niya ako sa labi. Dampi lang, parang halik ng magbestfriend, tsaka siya nagsabing;
“Sumama ka sa akin Abby, may iku-kwento ako sa’yo.”
Pumunta kami sa apartment niya sa Fairview. Dinala niya ako sa kanyang kwarto. Magkatabi kaming naupo sa kama at sa ginta nang aming walang hanggang pakiramdaman at mga panakaw na sulyap at maliliit na damping halik sa labi ay inisa-isa niyang hinimay ang bawat damdamin sa aking puso.
“Alam mo ba, takot si Mommy na pumasok ng simbahan, kasi pakiramdam niya, uusigin lang siya ng Diyos”:
“Ikaw, nagsisimba ka ba?”
“Oo naman. Pero hindi ako ang inuusig ng Diyos. Sarili ko ang umuusig sa akin.
Katahimikan.
“Virgin ka pa ba Abby?”
“Does it matter?”
Hindi siya kumibo. Inilapit niya ang sarili niya sa akin. Hinalikan niya ako sa labi. Hindi ako tumanggi. Hinubaran niya ako, naghubad din siya. Pumatong siya sa akin. Dinilaan niya ang leeg ko, pababa sa aking dibdib hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng aking katawan.
And the rest is history.
At si Mia….Si Mia….. Si Mia….
Hindi na kami naghiwalay pagkatapos noon. Palagi na kaming magkasamang dalawa. Minsa’y pumupunta kami sa National library, nagbabasa ng akda ni Daguio at Matute, tumatambay sa Intramuros kasama ang buong miyembro ng Teatro Malaya, nanonood ng play sa CCP at concert at the park.
O kaya nama’y nagba-bike maghapon kasama sila Tala at Liz palibot sa Samaniego compound at kakain ng sukiyaki at tempura sa Front porch ng luma’t antigong bahay nila Liz at doo’y magbe-brain storming kaming apat para sa mga bagong konsepto ng maikling kwentong isusulat namin.
Minsan nama’y nandoon lamang kami sa U.P., nakaupo sa malawak na field, kumakain ng fishball, nagyoyosi, gumagawa ng mga kwentong walang simula at walang wakas, at ituturo niya sa akin ang mga imaheng nakapinta sa kalangitan at ang kulay nito tuwing lulubog ang araw. Sabi niya, tuwing dapithapon inihahabi ng mga anghel ang mga pangarap na ibinubulong nang mga nagdarasal sa hangin.
“Tignan mo Abby iyong mga stars, may party ng mga fairy na nangyayari sa loob ng mga bituin. Iyong damit ng mga fairy, iba-iba ang kulay, may orange, may yellow, may green, halo-halo. Sayaw sila nang sayaw at iyong kulay ng damit nila, nagrereflect sa mga glass walls ng mga stars, kaya iyong mga stars, parang kumikislap.”
“Mia, nasubukan mo na bang mag day dreaming?”
“Oo naman. Lalo na nung bata ako, kahit noon, lagi akong pinapagalitan ng Mommy, sabi niya, day dreaming is only for lazy people, kasi, ang wonderland para lang kay Alice.”
Katahimikan.
“Abby, lahat ba ng Fairytale, kailangan may fairy?”
“Oo naman, kaya nga fairytale ‘di ba?”
“Kailangan magical, kailangan may witch na may mahabang ilong, nakasakay sa broom, kailangan may handsome prince, tapos kailangan iyong princess, long hair, white skin, mabait, inaapi, kailangan all’s well that ends well, kailangan nag start sa once upon a time at magtatapos sa and they lived happily ever after. That’s fairytale, napakashallow.”
“That’s life. Napakashallow.”
Natigilan siya sa sinabi ko.
“Pa’no naman Abby ang kwento ko, ;di ba iyon pwedeng maging fairytale? Kasi walang genie in a bottle, walang magic carpet ride, walang seven dwarfs, hindi pwedeng mag open ang pinto ng cave na puno ng treasure sa isang sabihan lang ng open sesame…Pero ang gusto ko lang, ang gusto lang talaga ay iyong pwede ding mag end ang kwento ko sa they live happily ever after kahit hindi ito nag-umpisa sa once upon a time.”
Katahimikan.
“Abby, gusto ko, kapag isinulat mo ang story ko, gawin mong parang fairytale. Pwede ba iyon?.”
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
“Tignan mo ang buwan, may babaeng natutulog sa loob nito.”
Tinanaw ko ang buwan sa malayo. Payapa itong naiidlip sa payapa din nitong liwanag. Napakatahimik, hindi kawangis ng araw na mayabang, nananakit ng mata, nambubulag.
Ngunit wala akong nakitang babae na natutulog sa loob nito.
“Wala naman, para lang siyang malaking bombilyang nakasabit sa kisame.”
Katahimikan.
“ ‘Di ba Mia, sabi nila dati, kapag bilog ang buwan, may lumalabas na wolf?”
“Another childhood brainwash. Sinasabi lang ng mga parents iyon para papasukin ang mga anak nila kapag nag-gagabi na.”
Katahimikan.
“Minsan, kapag nalulungkot ka, tumingin ka uli sa buwan, at doon, makikita mo ang babaeng natutulog, tapos, matatawa ka na lang, kasi, masarap palang maniwala sa kalokohan ng mundo.”
Katahimikan.
Tumitig kami sa kalawakan at sabay kaming namangha sa katotohanang kahit pala gaano karami ang bituin sa langit, hindi ito sapat upang tuluyang pintahan ng liwanag ang dilim na lumulukob sa gabi.
Sem break ng ayain ako ni Mia na magmountain climbing sa isang tagong bundok sa ilocos. Habang paakyat kami’y narinig niya ang mahina kong pagkanta ng The Long and Winding Road, agad akong huminto nang mapansin kong pinakikinggan niya ako.
Nagkatinginan kami at sabay na nagtawanan.
Padilim na nang marating namin ang campsite. Magkatulong naming itinayo ang aming tent at gumawa ng bonfire. Magkatabi kaming naupo sa harap ng apoy.
At sa saliw ng musikang hatid ng mga kulisap, unti-unti niyang ibinahagi sa akin ang kanyang mga kakaibang pakikipagsapalaran sa buhay, ang kanyang mga panaginip, ang kanyang mga katatakutan.
“Sabik ako sa pagmamahal ng isang Ina. Kahit may Mommy ako, parang wala rin. Lumaki ako na hindi ko man lamang siya nayayakap o nahahalikan o nasasabihan ng I love you o nakakalaro o naiiyakan o nasasabihan ng sikreto. 1988 noong masunugan kami. Iyak ako nang iyak noon, kasi wala na iyong dolls ko, iyong mga maliliit kong plato at kaldero at lutuan at iyong malaki kong doll house, pati iyong diary ko, wala na. Pero mas iniyakan ko ang pag alis ni Mommy. Lumipat kami ni Daddy sa isang mas malaking bahay, tapos, binili niya ako ulit ng mga toys. Pero hindi ako masaya. Then one night, birthday ko, ten years old na ako nu’n nang tabihan ako ni Daddy sa pagtulog. Kinuwentuhan niya ako tungkol sa isang hari na malungkot sa loob ng kanyang castle, tapos naging masaya siya nang bigyan siya ni Papa Jesus ng isang prinsesa, kamukha ko daw iyong princess, tapos sabi ni Daddy, iyong hari, kailangan nang pumunta ng heaven, ang lungkot lungkot daw nung hari kasi iiwan niya na iyong prinsesa niya. Tapos, umiyak si Daddy, ‘di ko pa nu’n alam kung bakit, paulit-ulit niyang sinabi sa akin na kailangan, ang prinsesa ‘di iyakin, kaya huwag daw ako iiyak. Iyak nang iyak si Daddy, kaya iyak din ako nang iyak. Kinaumagahan, nagising ako na iyak nang iyak si yaya. Tapos nandoon si Mommy, may kasama na maraming tao. Ang ingay ingay, kasi iyong ambulansya, weng, weng, ng weng weng. Tapos hinanap ko si Daddy kay yaya, sabi ni yaya, wala na si Daddy. Nasa heaven na siya. Hindi ko na nakita si Daddy, pagkatapos nu’n.”
Katahimikan.
“Tapos, kinuha ako ni Mommy. Pero wala pa’din siya pakialam sa akin. One day, narinig ko si Mommy at Ninang Sely, sabi ni Ninang Sely, impotent daw si daddy, dahil sa isang aksidente pagkapanganak ni Mommy sa akin, kaya hiniwalayan ni Mommy si Daddy. Tapos, naisip ko sex lang ba ang nagpapaligaya sa dalawang nagmamahalan. Sabi ko nu’n, siguro, hindi mahal ni Mommy si Daddy. Fifteen ako nang Dumating sa bahay si Marco. Limang Taon ang tanda niya sa akin. Boyfriend siya ni Mommy, tapos, nag-live-in sila. Nu’ng umalis si Mommy para sa isang business trip, inakit ko si Marco, siya ang nakauna sa akin. Naisip ko nu’n, shit hindi na ako virgin, hindi na ako bata, hindi na ’ko inosente. Pero okay lang, darating din naman ang lahat sa ganun. Naulit iyon. Maraming beses na may nangyari sa amin ni Marco, hanggang sa niyaya niya ako na magtanan. Mahal daw niya ako kaya gusto niya na umalis na kami at magbagong buhay. Natawa ako sa mga plano niya, tinawanan ko lang siya sa mukha. Nagalit siya. Pero umiyak nang umiyak nu’n si Marco. Pagkatapos nu’n, umalis siya at hindi na nagpakita sa amin ni Mommy kahit kalian. Then came Ric, Manuel, Joseph, Stephen… mga lalaking kinasama ni Mommy, mga lalaking inakit ko, mga lalaking nahumaling sa akin, mga lalaking nagmahal sa akin, mga lalaking tinawanan ko lang, mga lalaking inagaw ko kay Mommy, mga lalaking nang-iwan kay Mommy. Ayokong maging masaya si Mommy. Gusto kong maranasan niya iyong lungkot na dinanas namin ni Daddy. Pero sa tuwing nakikita kong umiiyak si Mommy, lihim din akong umiiyak. I hated her as much as I hated my self because I still love my Mom but she doesn’t care.”
Umiyak si Mia nang umiyak noong gabing iyon. At wala akong ibang magawa upang patigilin siya.
Yumakap siya sa akin ng mahigpit at buong magdamag kaming naglove making na para bang iyon ang una’t huling beses na gagawin namin iyon, saksi ang mga bituing aandap-andap sa piling ng aandap-andap din nilang langit…
At muli kong nadama ang kakaibang damdaming iyon, na para bang may isang parte sa aking kaluluwa ang tumatakas sa aking katawan at lumilipad lipad palibot sa mga nahihimbing na ulap, at para bang ang langit ay isang hininga na lamang ang layo mula sa akin.
Ngunit pagkatapos nang climb na iyon, bigla siyang nawala. Hindi siya nagpakita sa akin ng mahabang panahon.
Para lang siyang multo na dumadalaw sa aking panaginip, biglang naglalaho ngunit patuloy parin akong minumulto saan man ako magpunta.
Sa National Bookstore sa SM North kami muling nagkita ni Mia. Parang pang teledrama ang dating. Nagkabungguan ng balikat, nagkatitigan at umiyak si Mia nung sandaling iyon.
Yumakap siya sa akin at paulit-ulit na humingi ng sorry.
DRAMA: Ibang-iba ang dating nang pakiramdam. It was like a quick sand. Hindi na
ako makaahon, lubog na ang kalahati ng aking katawan, hayaan ko na
lamang na tuluyang lumubog ang aking kabuuan.
COMEDY: Oo nga. Ibang-abi ang dating nang pakiramdam, parang muling bumalik
ang love team ni Janno Gibbs at Manilyn Reynes, parang muling gumawa
ng romantikong pelikula si Tina Paner at Cris Villanueva at nagkabalikan
si Tirso at Nora habang kumakanta ng Tiny Bubbles…
At magkasama kaming kumain sa Carls Jr. at pinagtripang gawan ng horror story ang walang malay na hamburger at pinag-isipan kung magkakatuluyan ba ang dalawang magsyota na nag-e-entsingan sa katapat naming mesa.
At tumuloy kami sa apartment ni Mia.
Ang mga sumunod na eksena ay parang scripted. Sunod-sunod na naganap. Parang plinano. Parang katulad nung ginawa naming pagbe-brain storming sa front porch nila Liz kasama si Tala, kasama ang sukiyaki at tempura, kasama ang antigong bahay…
Pero iba si Mia nang araw na iyon. Gusto niyang isipin ko na nasa isang play kami. At ang role niya ay isa sa mga wicked sisters ni Cinderella at ako si Cinderella na nagnanakaw ng afternoon sex sa tabi ng chimney.
Minsa’y gusto niyang magkunwari na isa siyang lawin at isa akong sisiw, dadagitin niya ako at dadalhin sa pugad at doo’y gagawing sex slave.
O kaya’y psychotic siya at ako ang biktima.
Madre kaming pareho na nagkaroon nang affair sa kumbento.
Wolf siya at ako si Red Riding hood.
Paralyzed siya at ako ang nurse na inaabuso siya.
Iba si Mia sa lahat. At ang pagiging iba niya ay nakakatakot.
Nakakabahala.
Birthday noon ni Mia nang puntahan ko siya sa apartment niya. Madilim sa loob. Patay ang lahat ng ilaw.
At nakita ko siya na nasa sahig. Nakahubad at pagapang na papunta ng kusina.
“Mia!”
Akma ko nang bubuksan ang ilaw nang bigla siyang sumigaw.
“Huwag mo bubuksan ang ilaw!”
“Ano bang nangyayari sa iyo?”
“Nauuhaw ako, gusto ko ng tubig…tubig!”
Pumunta ako ng kusina, kumuha ng isang basong tubig at iniabot sa kanya. Ininom niya iyon na parang uhaw na uhaw.
“Si Daddy, nandiyan sa sala!”
Nangilabot ako sa sinabi niya.
“Ano bang pinagsasabi mo, wala diyan ang Daddy mo.”
“Nandiyan siya, nakita ko. Binati pa niya ako ng happy birthday, kinuwentuhan niya ako tungkol dun sa King at Princess, at sa mga stars at sa mga…”
“Mia patay na ang daddy mo!”
Bigla siyang natahimik. Binato ang baso, tumama sa dingding, nabasag. Tumayo siya at pumasok sa kwaro. Paglabas niya ay nakadamit na siya at galit na sumigaw.
“Nagda-drama lang ako, mage-emote sana ako kaso, sinira mo ang moment ko!”
Katahimikan.
Naupo siya sa sahig. Malapit sa akin.
“Putang ina ni Lorna. Kundi sa kalandian niya, buhay pa sana si Daddy.”
“H’wag ka ganyan. Nanay mo pa rin iyon.”
“Hindi ko Nanay ‘yon!”
“Kahit na anong gawin mo, ‘di mo mababago ang katotohanang Nanay mo ‘yon. Kailangan mo siya, kasi siya parin ang Nanay mo!”
Pero matigas si Mia.
“Hindi ko kailangan ang babaeng Iyon, hindi ko Nanay iyon.”
Pero mas matigas ako.
“Hindi kailangan, kaya pala ganyan ka kasabik sa babae, dahil hinahanap mo sa bawat babaeng ikinakama mo ang mother figure na hindi mo nakita sa Nanay mo!”
“How dare you.”
DRAMATIC EFFECTS: Nagwala siya. Nagbasag. Sinaktan ang kanyang sarili habang malakas na nagmumura.
Tumigil siya nang mapansing hindi ko siya pinipigilan sa pagwawala niya.
Muli siyang naupo sa sahig at biglang sumabog nang iyak.
Nakadama ako nang awa.
Nilapitan ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kumapit siya sa aking mga braso at sinagot niya ang aking mga haplos ng kanyang mahinang paghikbi.
At nang magniig kami noong gabing iyon, doo’y naramdaman ko, na sa bawat indayog ng kanyang katawan, sa bawat ungol na lumalabas sa kanyang bibig, sa bawat halik at yakap, ang lahat ay para bang namumulubi sa pagsuyo, lahat ay nagpaparusa, nananakit, nanggigimbal, nang-aangkin.
Ngunit nang makita ko ang kanayang pagluha habang kami’y magkasiping, naramdaman ko ang sakit na iniinda ng kanyang kaluluwa.
At doo’y batid ko na, naintindihan ko na.
Iba ang gusto niyang ilabas sa kanyang katawan, hindi lang basta init, hindi lang basta pagnanasa, hindi lang basta libog, kundi galit, poot at kalungkutan.
At tuluyan ko siyang tinanggap at ang malalaking pagkilos ng mundo’y nagkaroon ng halaga dahil ito’y binuo ng bawat maliliit na paggalaw ni Mia sa aking buhay.
At naging si Mia noon, hanggang ngayon.
Magtatatlong taon narin ang relasyon namin nang magpasya kaming tuluyan nang magsama.
Ang unang taon naming dalawa ay para lamang isang simpleng pagsasama ng mag kaibigan. Para lang we’re sisters, nagke-kwentuhan ng mga typical girls talk, naghaharutan, nagsasabihan ng mga sikreto.
Si Mia, noong pasko at magkasama kaming nagcelebrate sa Baguio at naglakad sa Session Road, kumain ng french-fries at spareribs sa Burnham Park, namasyal sa Crystal cave, sa hot spring sa Asin, naghorse back riding at nagsight seeing sa Mines View at naghagis ng coin sa wishing well at humiling na kapwa namin isinikreto sa isa’t-isa.
Si Mia noong bagong taon kung saan ay tuwang tuwa kaming nanood ng mga makukulay na fireworks na gumuguhit sa kalangitan at uminom ng champagne sa Country Club at nagdasal sa Baguio Cathedral kinaumagahan.
Pero ang relasyon namin ni Mia ay hindi palaging Bed of Roses.
It is always as good as our last triumph.
Dahil hindi nagtagal, muli siyang dinalaw ng kanyang mga bangungot. Maraming pagkakataon na bigla na lamang siyang sisigaw at iiyak at gigisingin ko siya at wala siyang sasabihin tungkol sa mga bangungot niyang iyon.
Minsan nama’y magigising ako at makikita ko siya sa isang sulok ng kwarto, at madirinig ko ang mahina niyang pagtangis at ang walang humpay niyang pagsasalita na parang nagdarasal na sasabayan niya nang pagluhang pilit niyang inilihim sa akin.
“Abby, gusto kong umakyat ng bundok.”
Pagtatapat niya sa akin habang magkatabi kaming nakahiga sa kama.
“Sinong kasama mo, sila Tala?”
Saglit siyang nag-isip.
“Hindi, gusto kong mag-isa.”
Pagkatapos ng dalawang araw niyang pamamalagi sa Pulog ay ibang Mia na ang bumalik sa akin.
Ang naging laman ng kanyang mga bagong kwento’y iba sa aking pandinig, para bang lahat ay hindi namin nararamdaman, hindi na namin kilala.
Hanggang sa napadalas ang pag-uwi niya ng gabi at ang pag-alis niya ng walang paalam at tsaka muli kaming magsasama at magkukunwaring ang buhay namin ay kaya pa naming ibalik sa dati.
At dumating ang pinakamahaba at pinakamalungkot na gabi ng aming relasyon.
Kagagaling ko lang noon sa pinagtatrabahuan kong istasyon ng radio nang maabutan ko siyang tahimik na umiinom ng alak sa dilim, lumapit ako sa kanya at naupo sa tapat niya habang nagsasalin ng alak sa baso.
Bigla siyang tumawa ng malakas. Nagulat ako. Tumawa siya nang tumawa hanggang sa maluha siya.
“Noon, kapag umiiyak ako, pinapagalitan ako ni Mommy. Sabi niya ang mga iyaking bata daw ay kinukuha ng monster na nagtatago sa ilalim ng kama. Kaya takot na takot ako nu’n. Tapos ‘di na’ko iiyak, pero umiiyak ang loob ko. Hanggang ngayon, ‘di pa din iyon tumitigil sa pag-iyak.”
Katahimikan.
“Abby, ayoko na.”
Hindi ako kumibo.
“ I realized na love is not just about Red Valentines and butterflies and rainbows. We cannot always pretend that life is just a happy picnic in the park or a warm sunny day out. We should stop painting everything white, kung simula pa lang, alam natin, na black siya. The world is unfair. Life is unfair.”
“But we will do everything to make it fair. Pwede naman tayong maging masaya. Isa lang ‘to sa mga up’s and down’s ng roller coaster ride, then after ng lahat lahat, magigising ka one morning na maayos na pala ang lahat.”
“No Abby. No more sugar coating, no more drama, no more fairytale, because we both know that everything is not right. Tama na. ayoko nang magkunwari.”
Katahimikan.
Nagpatuloy siya.
“Darating sa buhay ng kahit na sinong magkarelasyon ang panahon kung saan, lahat ng halik, nawalan na ng sense, lahat ng moments nawalan na ng logic, lahat napakairrational, tapos naisip mo na kailangan mong magdesisyon at sumunod kahit na masaktan ka pa.”
Katahimikan.
“Ayoko sana, kaso pinilit mo’ko. Lalo tuloy akong nagalit sa mundo, sa sarili ko pati na rin sa’yo. Hindi mo alam, tuwing gabi, habang natutulog ka, dinadalaw ako ni Daddy, minumulto ako ng Diyos, minumulto nila ako, pati si Mommy kahit ‘di pa siya patay, minumulto niya ako. Tinatakot nila ako. Inuusig nila alo, silang lahat…ikaw lang ang hindi.”
Katahimikan.
“Mahal kita Mia.”
Nagsimula siyang umiyak. Malakas. At ito’y nauwi sa impit na hagulgol.
“It is not love Abby, we just needed each other. We’re not born yesterday para hindi malaman kung ano ang naghihintay sa ’tin sa finish line.”
“Ano ngayon kung matalo tayo. At least, we could have try…”
Umiiyak siyang umiling.
“May masakit sa loob ko Abby, hindi ko alam kung ano. Mas masakit pa ito kaysa noong nadonselya ako. Kasi ngayon, hindi lang basta puke ko ang masakit, hindi lang iyon ang dumudugo. Pati damdamin ko, masakit na.
“Hanggang katawan ko lang ang napapasok nila, performance ko lang ang na a-appreciate nila, wala ni isa sa kanila ang nakapasok sa mundo ko, walang nakahipo sa kaluluwa ko. Tapos dumating ka, like a breath of fresh air. Kilala mo ’ko, you know that I’m so empty inside, alam mo kung ga’no ko kinaaaawaan ang sarili ko, you know that deep inside, I’m torn apart. Balak ko noon, after nang climb natin sa Ilocos, ‘di na ‘ko papakita sa’yo, kasi I thought, joke lang ang lahat, after a week, after my morning bath, mawawala ka na, but I’m dead wrong.
“Kasi sa lahat ng lalake at babae na naglabas-masok sa akin, sa iyo ko lang naramdaman ang aftershock, sa iyo ko lang naranasan ang pag flash back ng mga good memories, sa iyo lang ako tinaasan ng libido, sa iyo lang ako tinigasan ng utong, sa iyo lang ako nagkaroon ng multiple orgasm, ikaw lang ang nagbigay ng sense sa sex sa buhay ko. Kahit na nginigitian mo lang ako, kahit na nakatayo ka lang diyan sa harap ko, kahit na nung kinakanta mo lang ‘yon the long and winding road, para na ‘ring nagsesex tayo, tapos nakikiliti ako, nasasarapan ako, nalilibugan ako, nilalabasan ako.”
Nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap. Hinalikan ko siya sa buhok. Ngunit para siyang napaso’t agad na kumalas sa aking pagkakayakap.
“Abby… may iba na ako.”
Nagulantang ako sa sinabi niya. Matagal ko na iyong nararamdaman. Ngunit mas masakit pala kung para itong isang nuclear blast na pinuntirya ang buo mong pagkatao.
“Wala ‘ko pakialam. Dahil mahal kita.”
At nagalit siya sa sinabi ko.
“Don’t give me that bullshit Abby, that’s the problem with you, you’re too good to be true!”
“Dahil totoo ito Mia. Hindi ito isang laro na kay daling umayaw kapag natatalo ka na….Ikaw pa lang ang nag-iisang taong minahal ko.”
Lalo siyang nagalit. Nagwala siya. Nagbasag. Nagtapon ng mga gamit.
“Putang ina mo Abby, don’t do this to me. Don’t treat me like this. Magalit ka sa akin. Sumbatan mo ako, please Abby, give me some reason to leave you!”
Katahimikan.
“Ang lahat nang galit ko sa mundo, inilalabas ko sa bawat lalaki at babaeng nakasama ko sa kama, ang akala nila magaling ako, pero ang totoo, inutil ako, kasi namemeke lang ako ng orgasm, peke lang ang mga ungol ko, para lang isang play sa teatro, part mo iyon, kaya kailangan mong gampanan. Pero alam mo ba, namumuhi ako sa sex, kasi putang ina ang sex, kasi sex ang sumira sa pamilya ko, kasi sex ang sumira sa akin. Feeling ko, lahat nang tumitingin sa akin, kinakantot ako, nandidiri ako sa sex, kaso ‘di ko kaya mabuhay na wala nu’n. kasi sanay na katawan ko sa pakikipagkantutan. Akala ko, kapag nagpakalesbiana ako makakapagtago ako, makakatakas ako, magkakaroon na ng balance ang buhay ko, pero putang ina ko, dahil lagi na lang akong nagkakamali.”
Katahimikan.
“Aalis ako Abby.” Sabi niya. Mahina. Malungkot.
“Iiwan mo nga talaga ako”
“Hindi kta iiwan, pero aalis ako.”
“Bakit ka aalis?”
“Aalis ako not because I cannot stay with you, aalis ako dahil alam kong kaya ko.”
“Problema lang ba ‘pag nanatili ka sa tabi ko?”
“Natatakot ako. Nahihiya ako sa’yo, ‘pag nagtagal pa ‘to. Sisirain lang kita.”
“Okay lang,” pilit kong pinasaya ang aking tinig.
“Buuin mo na lang ako ulit.”
Tumingin siya sa akin. Ngumiti. Pilit. Mapait.
“Hindi iyon ganoon kadali. Hindi ito ang buhay na gusto ko para sa’yo. Dahil you don’t deserve this.”
“Pero mahal kita.”
Natigilan siya. Ilang sandali niya akong pinagmasdan sa mukha, na para bang iyon na ang huling pagkakataong makikita niya ako.
“Abby please, don’t make this hard for me. You know that it is not that easy. Hindi ako ang kailangan mo. This is the best thing na magagawa ko para sa’yo.”
Katahimikan.
“Aalis ako at hindi na ako babalik pang muli. Para akong isang balsang gawa sa marupok na kawayan, nang makita kita, isinakay kita, kahit alam ko na lulubog lang tayo. Ngayon, ibinabalik na kita kung saan kita noon kinuha, tsaka ako babalik sa dagat, tsaka ako papalaot, tsaka ako lulubog, kung lulubog ako ayokong kasama ka.”
Katahimikan.
“Noon, hindi ako aware na pwede pala iyon. Iyong may isang tao kang papapasukin sa loob ng buo mong pagkatao, tapos iyong taong iyon, may kakayahan na makipag sex sa kaluluwa mo, basahin ang isip mo, pasukin ang puso mo. Nakapasok ka sa akin kahit hindi kita pinapapasok, kahit ‘di kita pinagbubuksan.
“Tuwing hawak mo ang kamay ko, naisip ko na kahit minsan pala sa buhay ko, maaari akong maging payapa at masaya.”
Tumayo siya. Nagpalit ng damit.
“Magsama tayo Mia. Let’s run away, far from everything, let’s leave the world behind. This time, it will be just you and me.”
“Love…Love is a crime Abby. May punishment, may parusa…
“Death sentence.
“Lethal injection,
“Silia elektrika…what ever.”
“H’wag mo ‘ko iwan.”
“Hindi ‘yon pwede Abby. Ang love natin ay parang isang walang kalidad na bold actress na nangangarap gumawa ng disenteng pelikula, pero ‘di pwede kasi malulugi lang ito sa takilya.”
Katahimikan.
Humarap siya sa salamin. Nag-ayos ng sarili. Nagpunas ng wet tissue sa mukha. Nagpulbos, Naglipstick.
Humakbang siya sa pintuan. Bahagya siyang natigilan at tumingin sa akin.
“I’m sorry Abby, I can’t be anything for your own sake.”
At lumisan siya.
At hindi na kami muling nagkita ni Mia.
Madalas pa rin akong nagpupunta sa U.P., kumakain ng fishball, naninigarilyo, umuupo sa field at naaalala ko ang mga sandaling gumagawa kami ni Mia ng mga kwentong walang simula at wakas at ang mga kwento niya sa tala at bituin.
Noong isang taon ay muli akong bumalik doon sa ‘di kilalang bundok sa Ilocos at habang mag-isa akong umaakyat ay muli akong umawit ng the long and winding road at mag-isa kong tinayo ang tent at gumawa ng bonfire.
Bagamat alam kong wala na siya’y maraming gabi pa din na nakikita ko ang sarili kong hindi makatulog, at sisilip ako sa bintana, umaasam na makikita ko siya sa dilim ng gabi, minsan nama’y mauupo ako sa tarangkahan, nangangarap na isang araw ay muli ko siyang makikita roon.
Ngunit kay hirap maghintay sa taong batid mong hindi na babalik kahit kailan o kaya’y hanapin sa karimlan ang isang kaluluwang ayaw magpahanap at kahit anong gawin kong paghahanap sa kanya’y alam kong hindi ko siya kailanman matatagpuan.
May mga pagkakataong para ko siyang nakikita sa kulumpon ng mga taong tumatawid ng kalsada o kaya’y sa barkadahan ng mga babaeng namimili sa ukay-ukay o kaya’y sa mga taong naghihintay ng bus sa sakayan.
At alam kong ang lahat ng ito’y isa lamang malik mata.
At ngayon nga’y nandito ako sa baywalk. Muli na namang namalik mata, muli na naman akong dinaluhong ng alaala.
Dahil katulad ng dati, she just vanished out of thin air.
Pinakiramdaman ko ang pagkilos ng mundo, tulad parin iyon ng dati. Ang dagat ay patuloy na umaalon, ang hangin ay may dala paring alat, may dala paring lamig.
Napatitig ako sa mga tala’t bituin at naalala ko ang mga party ng fairies sa loob ng mga iyon at ang makukulay nilang damit.
At ang buwan, kakaiba ang hugis ng buwan noong gabing iyon, parang may babaeng natutulog sa loob nito.
……Nakikita ko na siya Mia…
Tama siya.
People come and go.
So stop asking your self, where have all the flowers gone.
I’m better off alone.
I’m spreading my self too thin.
Nakakatawa pero totoo…
Que Sera Sera!
If ever I see you again…
It takes too long to learn to live alone…
At ang sabi nga nila, in times like these, you need to love again.
2004
Previous Comments
Paborito ko ‘to sa lahat ng ginawa ko. salamat.
Posted by leserotika at December 7, 2009, 9:11 pmevery conversation is a poem, every line is filled with emotion, its a very complicated fictional story which will not end… until the writer ends it within herself
Posted by woman on the moon at February 9, 2011, 8:04 pmwoman on the moon…
muli’t muli akong iibig sa iyo, tuwing tumatanaw ako sa buwan…
Posted by leserotika at February 13, 2011, 7:12 pmWow.. it got into my core. Galeng :] ngayon na lang ulit ako nakabasa ng story about love na hindi pang-commoners ang plot.. Uhh.. ako ata si calamba, pero wala ako sa calamba haha, shitty lang talaga isp ko.. i’ve been reading your posts for days na kasi, kaya siguro paulit-ulit nagreregister yung ip sa tracker mo.. err.. so yeah, im a fan :]
Posted by keara at September 7, 2011, 1:46 pmsalamat! Minsan, nais kong makadaupang palad ka, binibini.
sure sure :] that would be a dream come true for me ahaha ;p hmm.. kala ko tuluyan ka nang nagevacuate sa fb :]
Posted by keara at September 18, 2011, 7:25 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





what the heck is her problem? I mean, uhm Mia. Why oh why? This story broke my heart a million time, it’s like hearing the last final breath of your first true love.
Posted by Anonimus at November 16, 2009, 12:31 pm